Louise delos Reyes prefers to have low-key relationship with rockstar boyfriend

IMAGE @louise.dr on Instagram

Louise delos Reyes is glad to keep her love life under the radar: "I think nasa tao din yun if you want to keep things private. Parang ngayon, I'm turning 25 this year, so ang dami nang changes with my decision-making. Ngayon, mas tahimik na, mas settled na."


Boyfriend ni Louise delos Reyes ang dating Hale vocalist na si Champ Lui-Pio.

Masaya naman siya na pribado at tahimik ang relasyon nila ng bokalista.

Kuwento niya, “We’re okay.

“Right now, mas nagpo-focus ako, kasi almost every day ako nagte-taping sa Probinsyano so more work, work, work talaga.

“I think nasa tao din yun if you want to keep things private.

“Parang ngayon, I’m turning 25 this year, so ang dami nang changes with my decision-making.

“Ngayon, mas tahimik na, mas settled na.

“He’s very sweet, very caring, very supportive.”

ANGEL LOOK-ALIKE. Marami rin ang nakakapansin na malaki ang hawig ni Louise kay Angel Locsin.

Ayon sa Kapamilya actress, si Angel ang isa sa mga artistang gusto niyang makatrabaho.

May mga nagsasabi nga raw sa kanya ng, "Alam mo, kamukha mo si Angel."

Dugtong ni Louise, “Kapag gumagalaw din daw ako, parang Angel.

“Siyempre, nakaka-proud naman, Angel Locsin yun, ang pinakamamahal nating Darna yun.

“Work with Angel? Oo naman, gusto ko rin yun.

“Right now, kapag iniisip ko, sino kaya ang gusto kong makatrabaho?

“Nasa isip ko siyempre John Lloyd [Cruz], Piolo [Pascual], Angel Locsin, Angelica Panganiban—ang dami.”

Nagsimulang magtrabaho sa ABS-CBN si Louise lnoong Hulyo matapos ang labing-apat na taong pagiging Kapuso nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN