Sarah Geronimo surprises BF Matteo Guidicelli at Ironman event in Cebu

IMAGE Instagram account of Garlic Garcia

Sarah Geronimo flew to Cebu to surprise boyfriend Matteo Guidicelli who participated in this year's IronMan 70.3 triathlon event.


Sinorpresa ni Sarah Geronimo ang kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli nang lumipad ito patungo sa Cebu kahapon, August 5.

Kasama si Matteo sa IronMan 70.3 triathlon event na ginanap sa siyudad kaninang umaga, August 6.

Lechon! ?? #SarahGeronimo #AshMatt #SarahG #MatteoGuidicelli | repost from lyzavenice

A post shared by Sarah Geronimo Fan (@isgfan) on

Makikita naman sa mga litratong in-upload ng ASAP head writer na si Garlic Garcia ang ilang sweet moments nina Sarah at Matteo.

Saad ni Garlic sa kanyang post, "When a surprise is a success. Happy to be here with you and all your loved ones @mateoguidicelli now go get that sub-5H finish today at #IM703philippines #cebu"

Meron ding litrato si Sarah kung saan may hawak siyang banner na nagpapakita ng suporta para sa kanyang long-time boyfriend.

Nakasulat sa banner, "Matteo Congrats my Love! Gihigugma Tika!"

Ang "Gihigugma Tika" ay "I love you" sa salitang Cebuano.

?????? #sarahgeronimo @justsarahg @justsarahgph

A post shared by Sarah Geronimo Pics & Vids (@sarahgeronimoshots) on

Taong 2015 nang nagkaroon ng "best finish" sa isang IronMan event si Matteo dahil sinalubong siya ng singer sa finish line. Tumakbo pa ang dalaga at niyakap agad ang kanyang boyfriend.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN