Vhong Navarro hints at forthcoming wedding to longtime girlfriend

Despite dropping hints about his forthcoming wedding to longtime girlfriend Tanya Bautista, Vhong Navarro refuses to reveal more details: "Sobrang close na close na. Ayokong sabihin yung taon, kasi naano, e. Bawat ano kasi sa akin, nauudlot."


Aminado si Vhong Navarro na nalalapit na ang plano niyang pakasalan ang kanyang long-time girlfriend na si Tanya Bautista.

Pero sa ngayon ay wala pa siyang mabigay na detalye kung kailan o saan ito magaganap.

Pahayag ng TV host-comedian, "Sobrang close na close na.

"Ayokong sabihin yung taon, kasi naano, e.

"Bawat ano kasi sa akin, nauudlot.

"Sabi nga niya... yung girlfriend ko kasi, ayaw niya ng sorpresa talaga."

Naiintindihan naman daw ni Tanya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa talaga siya nagpu-propose ng kasal dito.

Aniya, "Yes, sobrang understanding naman siya.

"Sobrang laging nasa likod ko naman siya lagi.

"Kumbaga, kung anuman ang mga bagay na nangyayari, todo suporta talaga siya."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang miyembro ng entertanment media ang komedyante sa grand presscon ng pelikulang Woke Up Like This na siyang pinakabagong handog ng Regal Entertainment Inc. simula sa August 23.

Ginanap ito sa Valencia Events Place, Quezon City kagabi, August 4.

SETBACKS. Ayon kay Vhong, ang isa raw sa mga dahilan kung bakit natatagalan ang kanyang planong mag-asawa ay dahil sa mga kasong hinaharap pa rin niya hanggang ngayon.

Kabilang na rito ang mga kasong nagbunga mula sa controversial rape case noong 2014 na kinasangkutan din nina Deniece Cornejo at Cedric Lee.

Ayon kay Vhong, "Honestly, isa nga 'yan talaga sa mga rason kung bakit medyo naaantala nang naaantala.

"E, kaya lang kasi, si God, e.

“Sa Kanya ko... kung talagang kasama ito sa daloy ng lahat sa buhay ko, yung mga pagsubok na ganito, e, dapat matanggap natin 'yan.

"Kumbaga, hindi naman puwedeng huminto ang isang pangarap natin, sa isang taong naghihintay sa atin, at heto nga yun girlfriend ko, di ba?

"Kaya nga, sabi ko, ayaw kong magsabi ng taon o buwan kung kailan.

“Bibiglain ko na lang siya."

Kahit naman daw patuloy pang dinidinig sa korte ang kaso, darating din na panahon na itutuloy pa rin niya ang planong magpakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Giit niya, "Hindi na, kasi, kumbaga, nakakaedad ka na, e.

"So, di natin alam kung ano ang masasabi natin.

"Gusto ko, hangga't diyan pa siya, masigla pa kami, di ba?

"Baka kung kelan uugud-ugod na ako saka mo pa yayaing magpakasal."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN