Rob Moya admits crush on Andrea Torres

IMAGE GMA Artist Center Instagram

Newbie Kapuso actor Rob Moya confesses why he's head over heels over Kapuso actress Andrea Torres: "Kasi unang-una, sobrang ganda. At the same time, sobrag nagagandahan din ako sa attitude niya."


Inamin ng bagitong aktor na si Rob Moya na crush niya ang Kapuso actress na si Andrea Torres.

Biniro namin si Rob na mahilig pala siya sa seksing babae.

Tanggi niya, “Ah, hindi!

“Kasi unang-una, sobrang ganda.

“At the same time, sobrag nagagandahan din ako sa attitude niya.”

Magkasama sila ni Andrea sa upcoming GMA series na Alyas Robin Hood 2 na eere sa August 14 kapalit ng My Love From The Star nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva.

Sabi pa niya, “Nung first season, as in na-starstruck talaga ako sa kanya.”

Alam raw ni Andrea na may crush si Rob dito.

“Sa isang show, parang tinanong siya ng host, I forgot the show, ‘Sinong artista ang alam mong may crush sa ‘yo?’

“Sinabi niya ang pangalan ko.

“May nag-post sa Facebook, 'tapos nilagay yung pangalan ko sa comment, 'tapos nakita ko,” natatwang kuwento ni Rob.

Paano nalaman ni Andrea na may gusto si Rob dito?

“I think dahil tine-text ko siya dati,” at muling tumawa ang binata.

WILL HE COURT ANDREA? Dahil inamin niyang gusto niyang maging girlfriend si Andrea, biniro namin siya na puwede na niyang ligawan si Andrea ngayon dahil wala itong karelasyon.

Pag-amin niya, “Ang hirap, e.

“Ewan ko. I think hindi siya ready.

“Ramdam ko lang.

”Tsaka sigurado hindi naman niya ako type.”

FOLLOWING IN DINGDONG'S FOOTSTEPS. Bilang artista ay nais ni Rob na sundan ang mga yapak ni Dingdong Dantes.

Pagpuri niya, “Solid guy, napakabait na tao, parang hindi niya alam na Dingdong Dantes siya.

“Very humble, very approachable, lalo na when it comes to cars, motorcycles, yun ang mga hilig po niya, e.

“Very nice guy.”

Sobrang natuwa si Rob na kasama siya sa parts 1 and 2 ng Alyas Robin Hood at lagi pa siyang kasama sa mga eksena ni Dingdong sa naturang GMA series.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rob noong Lunes, July 24 sa 17th floor ng GMA Network Center para sa pocket presscon sa tatlo sa mga cast members ng Alyas Robin Hood 2 na sina Rob, Lindsay de Vera at Dave Bornea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DARING. Dahil guwapo siya at maganda ang katawan, open daw si Rob sa sexy pictorials para sa isang underwear endorsement.

Lahad niya, “Oo, oo! Kaya nagpapaganda ako ng katawan ngayon.

“Kasi nung first season [ng Alyas Robin Hood] ang taba ko. Kaya madalas ako sa gym ngayon.

“Kasi ang gusto kong malaman ng mga tao, pag nakita nyo si Rob Moya, ‘Ah, hindi lang siya artista, ano rin siya…”

Sex symbol?

“Oo.”

Sa pelikula naman ay handa rin siyang maging daring.

Nagawa na raw niyang magka-gay love scene.

Pag-amin niya, “Ah nagawa ko na, yung kasama ko si Gabby Eigenmann, sa Swipe na movie.

“Nag-kiss kami.”

Ipinalabas raw nitong nakaraang Pebrero ang naturang pelikula kung saan gay ang papel ni Gabby at callboy naman ang role ni Rob.

Kahit raw matinding gay love scene ay kaya niyang gawin.

Sa pelikula raw lang daring si Rob, sa tunay na buhay ay hindi; never pa raw niyang nasubukang makipag-cybersex o mag-nude selfie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN