Alyana Asistio denies financial struggle after her father's death

IMAGE Noel Orsal

Alyana Asistio on rumor that their family is now struggling financially: "Hindi kami naghihirap. Sobrang masaya po ang buhay namin. Siyempre, kulang dahil wala na si Daddy. Pero alam kong masaya si Daddy kasi nakikita niya kaming okey."


Mariing itinanggi ni Alyana Asistio ang balitang walang naiwan sa kanilang magkakapatid nang mamatay ang kanilang amang si Boy Asistio.

Si Boy Asistio ay dating mayor ng Caloocan. 

Ina ni Alyana si Nadia Montenegro at kapatid naman niya sa Ynna Asistio.

Ayon kay Alyana, “Hindi po totoo, lahat po nakabilin sa amin.”

Maliban sa kanilang walong magkakapatid, may iba pang mga anak pa si Boy sa mga dati nitong nakarelasyon na sina Djhoanna Garcia at Veronica Jones.

Si Djhoanna ay singer noong dekada ’70; si Veronica naman ay naging artista noong ‘80s at kapatid ng award-winning actress na si Jaclyn Jones.

Dalawa ang naging anak nina Boy at Djhoanna, at lima naman ang naging anak ng dating Caloocan mayor kay Veronica.

Bukod dito, mayroon pang ibang mga anak ang yumaong alkalde sa mga dati nitong nakarelasyon.

“Medyo marami po… twenty-four po kaming magkakapatid,” banggit ni Yana.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alyana sa presscon ng Woke Up Like This, ang pinakabagong rom-com movie project ng Regal Entertainment Inc. na pinagbibidahan nina Vhong Navarro at Lovi Poe.

Ginanap ang presscon sa Valencia Events Place noong Biyernes, August 4.

NO DISPUTE. Dahil marami silang magkakapatid sa ama, inakala ng ibang may gulong nagaganap sa hatian ng mana.

Paglilinaw naman ni Alyana, “Sa amin po siya, e.

“So, lahat… wala naman kasing maniniwala na walang matitira sa amin.  

“Pero sa pamilya ng daddy ko, may konting gulo, pero kaya naman pong pag-usapan. 

“Yun po ang unang ayaw na ayaw ng daddy ko, yung gulo dahil sa mga naiwan niya. 

“Kasi po, pamilya-pamilya po kami.”

Wala raw nagaganap na demandahan o legal battle para sa hatian ng property sa kani-kanilang mga kapatid.

“Wala po, wala po,” mariing sabi ni Yana.

“Kasi po, kaya naman pong idaan sa usapan, e.

“Nag-uusap naman po kaming magkakapatid, saka yung mga kapatid ng daddy ko. Inaayos po naming lahat. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga inaayos po kaming mga lupa sa Caloocan, sa Bicol, sa Antipolo.

“Siguro po, kulang po ang ten years para maayos lahat.”

Ibig sabihin, hindi nila makukuha agad ang para sa kanila? Maghihintay pa sila ng maraming taon?

Nakangiting sabi ni Alyana, “Hindi po.

“Kasi po, lagi pong sinasabi ni Mama, nabuhay kami nang hindi umaasa sa mga iniwan ni Daddy. 

“Hindi naman po kasi namin ini-expect talaga.

“So, nabuhay po kami nang hindi umaasa doon. Kaya naman naming mabuhay nang wala yun.

“Pero as much as possible, gusto rin naming maayos. 

“Kasi hanggang sa last breath po ng daddy ko, hindi niya nakakalimutan yung mga maiiwan niya sa amin.

“Iniisip pa rin po niya yun para sa aming magkakapatid.”

Ayon kay Alyana, may mga naiwan na ang kanyang ama para sa kanilang mga anak at maging sa mga kapatid nito.

“Kasi po, kahit noong nabubuhay pa ang daddy ko, inayos na niyang lahat, kahit yung sa mga kapatid niya.

“Kaya lang po, may mga lupa pa pong naiwan kay Daddy na nakapangalan sa kanya na hindi pa po naayos.

“Yun lang po ang inaayos namin lahat.”

Diin pa niya, “Wala naman pong gulo. Hindi naman po kami nag-struggle.

“Close naman po kami sa relatives ng daddy ko kaya nadadaan sa usapan.

“Bago po nawala si Daddy, maayos po kami.

“Saka lahat po kami may trabaho. Okey po kami. 

“Hindi kami naghihirap. Sobrang masaya po ang buhay namin. 

“Siyempre, kulang dahil wala na si Daddy.

“Pero alam kong masaya si Daddy kasi nakikita niya kaming okey.”

LIVING COMFORTABLY. Isa sa mga pinagbasehan ng balitang naghihirap na raw ang pamilya nina Alyana ay nang mag-withdraw si Ynna ng pera sa kanyang ATM noong kasagsagan ng bagyong Ondoy.

Dito nadiskubre ng aktres na nawawalan siya ng malaking halaga sa kanyang savings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag dito ni Alyana, “Yun nga po, kailangan niyang mag-withdraw dahil nawalan po siya ng three thousand plus pesos.

“So, kailangan po niya yun, kasi ibabayad po yun sa ospital.

“May kailangan siyang bayaran sa ospital kaya kailangan niyang mag-withdraw ng pera. Naibalik naman po.”

Ayon pa kay Alyana, kahit hindi siya mag-artista ay mabubuhay naman daw siya at ang kanyang pamilya.

Graduate ng culinary si Alyana dalawang taon na ang nakararaan.

“Opo. Isa po ‘yan sa namana ko sa daddy at mama ko, na kahit hindi po ako mag-artista, kaya kong mag-work. 

“Nakita naman po ninyo yung time na wala kami, hindi naman tago yun, noong time na natalo ang daddy ko sa election. 

“Doon ako bumilib sa mga magulang ko na kahit nawalan sila, nakabangon sila.

“Inayos niya ang lahat ng dapat niyang ayusin, kaya ngayon po ay maayos kaming lahat.”


Stories We Are Tracking

Ex-Caloocan Mayor Boy Asistio dead at 80
Ex-Caloocan Mayor Boy Asistio dead at 80
The love story of Nadia Montenegro and Macario
The love story of Nadia Montenegro and Macario "Boy" Asistio
Ynna Asistio says dad had premonition of own death
Ynna Asistio says dad had premonition of own death


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN