Glaiza de Castro embroiled in brouhaha over G-Dragon concert tickets

IMAGE Instagram photo of Glaiza de Castro

Glaiza de Castro asks haters, "What's so offensive about having someone pay for you?" The story behind this was a fan offered to queue for the actress at the ticket booth for a G-Dragon concert. According to Glaiza, "The person who was supposed to get the tickets got it after everyone who lined up at the ticketbooth."


Itinanggi ni Glaiza de Castro na ginamit niya ang kanyang pagiging artista upang makakuha ng ticket sa isang concert.

Sa kanyang Twitter post kahapon, August 7, ipinaliwanag ni Glaiza ang kanyang panig tungkol sa pagkuha niya ng ticket para sa isang concert.

Hindi tinukoy ng Kapuso actress-singer kung anong concert ito.

Pero base sa mga comment sa kanyang post, tila ito ay tungkol sa gaganaping concert ng K-pop star na si G-Dragon sa Araneta Coliseum sa September 1.

Kamakailan ay nagbukas ang pagbebenta ng ticket para sa concert na ito.

Sa isang note na ibinahagi niya sa Twitter, sabi ni Glaiza, “I was not gonna do this, but wth. First, get you facts straight. Second, what's so offensive about having someone pay for you? Third, should I be so selfish to say no to someone who asked for a photo while waiting in a cafe? Fourth, is it wrong if he wants to upload it? Fifth, the person who was supposed to get the tickets got it after everyone who lined up at the ticketbooth.

“Sixth, what's so special about that? We worked hard for it. Seventh, I didn't ask the followers to speak up for me. But this time, I'm speaking up for them. They shan't be dragged into this nonsense. Eighth, I'm doing this not as a celebrity (I don't like the word really, but just so you can understand.) but as a grateful person and as a fan. Ninth, what kind of fan are you? Tenth, why am I doing this and why am I going to watch a concert? Because it makes me happy and I deserve it. Everyone does.”

Sa Twitter post ding ito ay sinabi ng self-confessed K-pop fan, “This is the first and last and I'm going to enjoy after this. [I'm still ready to eat the hatred from people who closed their minds.]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hati naman ang naging reaksiyon ng mga nakakita ng post ni Glaiza.

Marami sa followers niya ang nagpakita ng suporta sa Kapuso star.

Samantala, may ilang ding hindi nagustuhan ang sinabi ni Glaiza tungkol sa pagiging K-pop fan.

Sa kabila ng sari-saring komento sa kanyang post, nagpahayag ng pasasalamat si Glaiza sa mga taong sumuporta sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN