Queenie Padilla tells critics: "Don't tell me what to do or what not to do with my child."

IMAGE Noel Orsal / Instagram (@queeniepadillarevert

Robin Padilla (left) gives an advice to daughter Queenie Padilla in dealing with bashers online. For her part, Queenie makes another social media post in response to netizens who criticized her for not showing the face of her newborn daughter in the pictures she uploaded on social media. 


Muling nag-post ng mensahe si Queenie Padilla hinggil sa isyung hindi niya pagpapakita sa mukha ng bagong silang na anak sa kanyang social media posts.

Paliwanag niya sa kanyang Instagram post, ang kanyang anak ang magdedesisyon sa tamang panahon kung kailan nito ipakikita ang mukha sa social media.

Post ni Queenie sa Instagram noong nakaraang linggo: “My daughter will be the one to decide when (she is capable to give consent) if she wants to be seen on social media or not.

“Everyone has different parenting styles. This is mine. Period.

“Never did I say I will refrain from posting my daughter, I said I will refrain from showing her face on social media.”

Payo pa ni Queenie sa mga kritiko niya, “If you don't like it, then go ahead unfollow me, don't stalk me and don't tell me what to do or what not to do with my child. Thanks”

ROBIN’S ADVICE. Kinatigan naman si Queenie ng amang si Robin Padilla at kapatid na si Kylie Padilla.

Sa comment section ng IG post ni Queenie, pinayuhan ni Robin ang anak kung paano harapin ang bashers sa social media. 

Sabi ng aktor, huwag pag-aksayahan ng panahon ang mga bumabatikos sa social media dahil wala lang magawa ang mga ito.

Pinayuhan din ni Robin si Queenie mag-delete ng mga hindi magagandang komento.



Sinang-ayunan naman ni Kylie ang kapatid sa kanyang comment. 


Kamakailan ay nag-post si Queenie ng mga larawan ng anak at maging ang kanilang family picture, pero kapansin-pansing natatakpan ng stickers ang mukha ng bata.

May netizen na pumansin sa post na ito ni Queenie at nag-speculate tungkol sa hitsura ng bata kaya hindi raw ito ipinapakita ni Queenie.


Stories We Are Tracking

Queenie Padilla firm about not showing her daughter's face
Queenie Padilla firm about not showing her daughter's face

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN