Cora Waddell grateful for being part of Pinoy Big Brother

IMAGE Noel Orsal

Cora Waddell is excited to be working with Lovi Poe and Whong Navarro in her first movie. "Feeling ko friends na kaming lahat... they welcome me as a friend," she says.


Bago naging housemate si Cora Waddell sa Pinoy Big Brother Lucky 7, limang taon siyang naging talent ng Viva Artists Agency (VAA).

Sa panahong iyon, pinagsabay raw niya ang modelling at ang paging talent sa print at television commercials.

Ayon kay Cora, “Natapos na po yung five years ko with them, and then akala ko I would stop with  showbiz.

“Umalis na po ako ng Pilipinas, pumunta ako ng Korea para mag-international modelling.”

Pagkatapos nito ay bumalik siya ng Pilipinas at tinanggap ang imbitasyong mag-audition sa PBB.

Nakapasa siya, naging housemate, at finalist sa PBB kung saan ang nanalo ay si Maymay Entrata.

Masaya raw siya sa naging experience niya sa Bahay ni Kuya kahit tinalo siya ni Maymay.

Sabi ng 27-year-old Fil-Am talent, “Lahat kami ay may kanya-kanyang suwerte, I believe in that.

“If someone has something, then siyempre someone else will have something else.

“Pero sobrang grateful ako na nakilala ko silang lahat.

"I had the chance to live with many, many people.

“Kasi medyo anti-social po ako before, so ayun, marami akong natutunan.

“And siyempre, it opened amazing doors for me na hindi ko inasahan I could still do at my age.

“Masaya lang ako, akala ko na medyo late na.”

Single daw ngayon si Cora.

“That’s why I ended up coming back to the Philippines and joining PBB, I have nothing to lose.”

Mahigit isang taon na raw siyang walang boyfriend.

Ang huli raw niyang karelasyon ay isang Brazilian model na nakilala niya rito sa Pilipinas.

Nasa South Korea raw sila for modelling gigs nang nagkahiwalay sila.

“He went back to his country, bumalik ako dito,” ayon kay Cora.

Hindi raw niya kaya ang long-distance relationship.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cora sa presscon ng pelikulang Woke Up Like This noong Biyernes, August 4, sa 38 Valencia Events Place.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GIRL-CRUSH. Unang pelikula ni Cora ang Woke Up Like This at excited nga raw siya.

Sambit niya, “This is my first presscon na medyo involved ako sa industriya, I’m very excited.”

Bukod pa rito, nagka-girl crush daw siya kay Lovi.

“Ang dami naming malagkit na titigan!” tumatawang sabi ni Cora.

Pero paglilinaw niya, kasama raw iyon sa istorya.

“Si Lovi, for a part of the movie, may lalaki sa loob ng katawan niya, si Vhong, so parang may girl-on-girl romance kami.”

Sa pelikula kasi ay magkakapalit ng katauhan sina Lovi at Vhong.

Dagdag pa ni Cora, “And I was like, ‘Oh my God, ang ganda ni Lovi!’

“And when I got to know her, she’s very, very sweet.

“When you see her in the movies, hindi mo alam kung mataray siya, pero sobrang down-to-earth niya.”

May mga close friends daw na lesbian si Cora, pero wala raw sa mga ito ang nanligaw sa kanya.

Ano ang gagawin niya kapag may lesbian na nagpahiwatig ng pagkagusto sa kanya?

Tugon niya, “Depends, just like with a boy, kung bastos ang pagka-advance nila, then I would react  one way.

“Pero if they were sweet and respectful, my goodness, I would still wanna be their friend, you know.

“It’s not out of the question, love is love, pero I haven’t been down that road yet.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN