Lovi Poe firm in shutting out any talk about her private life; admires Nadine Lustre's honesty

IMAGE Noel Orsal

Lovi Poe: "People should not really try to get into your personal life. Just because we're public figures doesn't mean that we have to be an open book to everybody, 'no!"


Humanga si Lovi Poe kay Nadine Lustre nang matapang na hinarap ng Kapamilya actress ang isyu ng live-in relationship.

Pahayag ng Kapuso actress, “You know what, I really admire her.

“I’ve met her in this event, and she’s very real.

“And I really admire her… the fact that she’s very honest.”


Stories We Are Tracking

Nadine Lustre reacts to live-in issue with BF James Reid
Nadine Lustre reacts to live-in issue with BF James Reid
Nadine shrugs off negative reaction to living-in comment
Nadine shrugs off negative reaction to living-in comment

Pero nang tanungin si Lovi kung nagli-live in na sila ng rumored boyfriend niyang si Chris Johnson, tinapos agad ng aktres ang usapan.

Aniya, “Wala, I really don’t want to say anything because I want to keep things private.”

May mga post kasi sila minsan sa Instagram na nakapambahay lang si Chris o makikitang nagluluto.

Ayon kay Lovi, “My God, he’s always like that, he always dresses like that!

“He cooks in my house kapag may cook-out kami ng mga friends ko, one time pa nga my mom was there.”
 
Kaugnay nito ay nagmatigas si Lovi na huwag pag-usapan ang kanyang love life o anuman tungkol sa kanyang private life.

Pahayag niya, “Whatever it is, I always said I want to be a private person.

“People should not really try to get into your personal life din naman talaga, e.
 
“Just because we’re public figures doesn’t mean that we have to be an open book to everybody, 'no! 

“We’re emotional toys in terms of being actors, I think that is already good enough.”
 
Tungkol sa kanila ni Chris, ito lang daw ang masasabi niya: “Nothing much to talk about naman. It’s pretty much normal.

“Basically, the things between me and Chris, we’ve only just begun.

“He’s a private person, ganun na lang. Chill lang naman siyang tao.”

Bukod sa negosyo ni Chris sa Pilipinas, may mga inuumpisahan daw na negosyo ang Filipino-French businessman sa ibang bansa kaya madalas daw wala ito.
 
SUPER INDEPENDENT. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi sa grand presscon ng bago niyang pelikula sa Regal Entertainment, ang Woke Up Like This, na ginanap sa Valencia Events Place noong Biyernes, August 4.
 
Natawa naman si Lovi nang tanungin, when was the last time she woke up with someone?
 
“Ayokong sagutin ‘yan!” sabi niya, at idinugtong, “I always wake up with my dog, Señorito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan paggising ko, nandito siya sa ulo ko. Sabi ko, ‘Tao ka?’ Kasi nandun talaga siya.”

May pagkakataon bang nakipag-live in na si Lovi?
 
Tugon niya, “No, I’m super independent. I like being on my own.
 
“To be honest, mabilis kasi akong magkaroon ng sawa, so I really need my space, that’s very important.”

Samantala, hindi na napapanood ngayon si Lovi sa Kapuso telefantasya na Mulawin vs. Ravena.

Babalik pa ba ang karakter niyang si Magindara? 
 
Sagot ng aktres, “I’m just busy with movies, I’m shooting two films now.

"But, yes, babalik pa raw ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN