Bela Padilla insists Zanjoe Marudo is not yet her boyfriend; but wants to give him a chance

IMAGE Noel Orsal

Bela Padilla denies that she and Zanjoe Marudo are already an item, but she admits that she wants to give the actor a chance. 


Iginiit ni Bela Padilla na hindi pa sila magkarelasyon ni Zanjoe Marudo.

Pero gusto raw niyang bigyan ng pagkakataon ang aktor.

Ito ang ibinahagi ng aktres sa guest appearance niya sa Tonight With Boy Abunda (TWBA), nitong Lunes, August 7.

Dalawang beses tinanong ni Boy Abunda si Bela kung magkarelasyon na sila ni Zanjoe at kung boyfriend na ba niya ang aktor.

Sa parehong tanong, sagot ng aktres, “No.”

Pero ayon kay Boy, sa isang recent interview ni Zanjoe, inamin nitong single siya pero “not available.”

Pagkakaunawa raw ng King of Talk, “not available” siya dahil kay Bela.

Muling tinanong ng host si Bela kung single ba siya at available.

“I am single,” tugon ni Bela, pero iniwasang sagutin kung available siya.

Inulit muli ni Boy ang tanong kung available si Bela.

“Honestly, Tito Boy, kasi I don’t know if his [Zanjoe] statement pertains to me, so I don’t know.

“I’m not sure, I don’t wanna assume!” natatawang sagot ng dalaga.

Kalaunan, inamin ni Bela, “Right now, I’m keeping myself not available.”

Nagpaliwanag din si Bela kung bakit hindi niya nasagot nang diretso ang tanong ni Boy tungkol kay Zanjoe.  

“Ayoko kasi parang nakakahiya, parang ako ang nanliligaw. Nakakahiya!” natatawa niyang sabi.

Pero sa huli ay inamin ni Bela, “To be honest, I would like to keep myself not available because I want to give him a chance.

"But I’m not sure, so we’ll see."

Nagkatrabaho at nagtambal sina Bela at Zanjoe sa ABS-CBN drama series na My Dear Heart, na tumakbo mula January hanggang June ng kasalukuyang taon.

Ang huling naging girlfriend ni Zanjoe ay si Bea Alonzo, kung saan tumagal ang relasyon nila ng limang taon.

Inamin naman ni Bela ang hiwalayan nila ng film producer at businessman na si Neil Arce pagpasok ng 2017.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Vice Ganda hints at Zanjoe-Bela relationship status
Vice Ganda hints at Zanjoe-Bela relationship status


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN