Martin Nievera says Zia Quizon is "the right one" for his son Robin

IMAGE Noel Orsal

"I give all the credit to the mom, but Zia has made him the better version of himself," says Martin Nievera about why he thinks Zia Quizon is perfect for son Robin.


Naniniwala si Martin Nievera na natagpuan na ng anak na si Robin Nievera ang tamang babae para rito sa katauhan ng singer-songwriter na si Zia Quizon.

Si Robin ay ang panganay na anak ni Martin sa dati niyang asawa na si Pops Fernandez.

Si Zia naman ay anak ni Zsa Zsa Padilla at ng yumaong Comedy King na si Dolphy.

Pahayag ni Martin, “I am very happy for Robin and Zia.

“I think Zia... of all the girlfriends of Robin had in the past, Zia is the right one for him, I think, for me, ha…

“Because I think to have a partner in your life, if that partner can make you a better version of yourself, then siya na yun."

Dagdag pa ng Concert King, “In this case, Robin has always been a good boy—good values, brought up well by Pops, of course.

“I give all the credit to the mom.

"But Zia has made him the better version of himself—musically, as a person, spiritually.

"So, ako, I’m very, very fond of Zia."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Martin sa MOR Pinoy Music Awards 2017, na ginanap sa KIA Theatre, noong Linggo, August 6.

DAD’S VOTE. Nakumpirma ang espesyal na relasyon nina Robin at Zia noong 2016.

Pareho naman itong ikinatuwa ng mga magulang ng magkasintahan.

Ayon kay Martin, nakasama na niya sa ilang pagkakataon si Zia at wala siyang masasabi sa bait na nakita niya rito.

“Well, Zia, Robin, Ram, even my son Santino from Las Vegas, we all went to Disneyland…

“I know Zia even behind the scenes, so alam ko talaga ang ugali ng babae.

"Napakabait na tao."

Handa na ba si Martin kung sakaling nais nang magpakasal ng kanyang panganay na anak?

Sagot niya, “Ay, huwag muna, let’s not rush the children.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marriage is always somewhere, out there.

“Let them practice muna.”

Si Robin ay kilala ngayon bilang DJ Robin ng radio station na 107.5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN