Comedian Atak slams allegation that he called Maine Mendoza "plastic, hindi likeable"

IMAGE Instagram @atak88

Comedian Atak slams fake screenshot of his alleged criticism of Maine Mendoza: "Itong account ang may gawa ng paninira sa akin at may gawa ng pag retoke ng primary picture ko para gawin ang screenshot na yun. Hindi totoo na sinabi kung plastik si maine. ang bait sa akin yun."


Inuulan ngayon ng batikos ang komedyanteng si Atak matapos kumalat sa social media ang diumano’y private message niya tungkol sa Sunday PinaSaya co-host na si Julie Anne San Jose at Eat Bulaga! Dabarkads na si Maine Mendoza.

Kaugnay ito ng nakunang screenshots ng diumano’y pakikipagpalitan ng Instagram direct messages ni Atak at ng isang hindi pinangalanang personalidad. 

Dito ay makikitang nagbitiw si Atak ng mga sumunod na salita: “Hindi likeable si Maine kumpara kay Julie maganda na talented pa.”

Ikinagalit ito nang husto ng masugid na mga tagasuporta ni Maine, at inakusahan si Atak ng diumano’y paninira laban sa kanilang idolo.

Ngunit sa kanyang Instagram post ngayong Martes, August 8, mariing pinabulaanan ni Atak ang akusasyong sinabihan niya ng "hindi likeable" si Maine. 

Ayon sa komedyante, "niretoke" lang ang naturang screenshots.

Paglilinaw ni Atak, “Hindi po ako ang may gawa neto. niretoke lang nya at gamitin ang primary picture ko.

“makakarma ang gumawa neto! sana wag kayo manira ng tao.

“kahapon kasi tinakot ako na post sa twitter ang pagtatangol ko sa isang kasama namin sa sps.

“pero never ko na mention ang name ni maine.

“Si Lord na bahala sa inyo.”

Nilinaw rin ng Sunday PinaSaya mainstay na wala siyang sinasabing "plastic" si Maine. 

Kasabay nito ay inilantad ng komedyante ang Instagram account ng isang netizen na diumano’y nagpakalat ng pekeng private message niya. 

Sa kanyang naunang Instagram post, ito ang pahayag ni Atak: “Itong account ang may gawa ng paninira sa akin at may gawa ng pag retoke ng primary picture ko para gawin ang screenshot na yun.

“Hindi totoo na sinabi kung plastik si maine. ang bait sa akin yun.

“at sana may picture yang account na yan. magpakilala ka wag kang manloko ng tao. hindi ka masaya sa buhay mo wag mo kaming idamay!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“sorry guys ha. gusto ko goodvibes lang."

At press time, deactivated ang Twitter account ni Atak.

Hindi malinaw kung may kinalaman sa isyu kung bakit hindi viewable ang Twitter account niya sa ngayon. 

NETIZENS' REACTION. Sa kabilang banda, kinuwestiyon ng ilang fans ni Maine kung ano ang posibleng motibo upang i-hack ang social media account ni Atak. 



Lalo na't nakunan din daw ng screenshots ang karugtong ng diumano'y palitan ng private messages sa pagitan ni Atak at ng hindi kilalang netizen. 

Sa comments thread ng Instagram post ni Atak, kinuwestiyon ng Instagram user na si @faulkoza ang diumano'y palitan ng private messages sa pagitan ng komedyante at ng Twitter user na si @chagail123. 


Ngunit nanindigan si Atak na peke raw ang screenshots ng diumano'y pakikipagsagutan niya sa naturang fan ni Maine.

Ayon kay Atak, ni walang display photo ang Instagram account ng pinaniniwalaang nakasagutan niya.  

Giit ng komedyante, "At never ko na mention si Maine. Ginawa lang nila ang screenshoot na yun para birahin ako ng adn." 



ALLAN K DEFENDS ATAK. Sa kabilang banda, ipinagtanggol si Atak ng Eat Bulaga! Dabarkads na si Allan K. 

Sabi ni Allan K kay Atak, "Tsaka hindi mo alam ang word na likeable. Kaya hindi totoo yan" 


May ilan ding netizens ang nagsabing hindi umano magagawa ni Atak ang magbitiw ng hindi magandang salita laban kay Maine. 





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN