Lindsay de Vera reveals crush on two Kapuso actors

IMAGE GMA Artist Center Instagram

Lindsay de Vera wants to be like Marian Rivera and Lovi Poe, who are very good at their craft.


Inamin ng GMA Artist Center talent na si Lindsay de Vera na ang mga crush niya sa showbiz ay "someone who inspires me to do well also."

Isa na raw rito ang kapwa niya Kapuso na si Derrick Monasterio.

Paano siya nai-inspire ni Derrick?

“He’s also into singing, maganda rin ang voice niya, so that’s where we get along, I guess,” sabi ni Lindsay, na mahilig din sa musika.  

Close ba sila ni Derrick?

“Thru family ties, yes.

“Yung ate po niya is asawa po ng tito ko,” banggit ng dalaga sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Hindi man nanligaw sa kanya ang binata, sinabi ni Lindsay na close sila nito.

Pero bakit kaya hindi siya niligawan ni Derrick gayong wala namang boyfriend si Lindsay?

Tugon niya, “Well, I guess also because of our family ties.

“It’s something too precious to break, if ever.”

Isiniwalat din ng aktres ang isa pa niyang crush—si Ken Chan.

Kuwento ni Lindsay, “Na-meet ko siya, and then he also met my lola, my mom.

“He’s very respectful.

"The first time niya na-meet ang lola ko, he’s very respectful to my lola."

Nangyari raw ito noong may show sila sa Manaoag, Pangasinan.

Doon daw nakita ni Lindsay ang tunay na pagkatao ni Ken.

“Wala siyang arte, he’s very straightforward, and then mahilig siya sa new stuff.

“He’s adventurous and, iyon po, hindi siya maarteng lalaki.”

Samantala, pinaka-espesyal naman daw kay Lindsay ang ka-love team niyang si Dave Bornea sa upcoming GMA series na Alyas Robin Hood 2, na eere na sa Lunes, August 14.

Matalik na magkaibigan sina Lindsay at Dave.

CAREER PEG. Tinanong din ng PEP si Lindsay kung sino ang nais niyang maging katulad sa larangan ng showbiz.

Aniya, nais niyang sundan ang mga yapak ni Marian Rivera, at sana raw ay makatrabaho niya ang Kapuso Primetime Queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I really hope to work with her since I’ve worked with Kuya Dingdong [Dantes] three times.”

Ano ang nagustuhan niya kay Marian?

“Nung napapanood ko po siya kasi in her movies and then sa mga teleserye po niya, whenever she acts, she really just touches…

"She really touched me, yung puso sa puso.

“Like sa mga scenes po na she’s in pain, I could relate and feel the pain in my heart, parang may kirot sa puso,” saad ni Lindsay.

Nakasama na niya si Marian sa mga get-together ng Pari ‘Koy, kung saan kasali rin si Lindsay.

Bukod kay Marian ay bilib din daw si Lindsay kay Lovi Poe.

“Recently, I’ve been watching Ate Lovi Poe, and she’s been really good [in] Someone To Watch Over Me, so she’s another inspiration for me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN