Claudine Barretto defends estranged sister Gretchen on Atong Ang issue

IMAGE Noel Orsal (Claudine and Gretchen) / CNN Philippines (Atong Ang)

Ipinagtanggol ni Claudine Barretto ang nakaalitang kapatid na si Gretchen Barretto kaugnay ng balitang may relasyon daw ito sa negosyanteng si Atong Ang. Mas kilala raw niya ang kanyang ate at faithful daw ito sa long-time partner nitong si Tonyboy Cojuangco. 


Ipinagtanggol ni Claudine Barretto ang estranged sister na si Gretchen Barretto kaugnay ng napapabalitang relasyon diumano nito sa negosyanteng si Atong Ang.

Noong unang linggo ng Hulyo, pumutok ang balitang magkasama sina Gretchen at Atong sa Bangkok, Thailand.

Naging laman din ng balita ang diumano'y VIP treatment sa kanila sa NAIA Terminal 1.


Stories We Are Tracking

Did Gretchen, Atong Ang get VIP treatment at NAIA?
Did Gretchen, Atong Ang get VIP treatment at NAIA?

Sa Instagram post naman ng beteranang entertainment columnist na si Lolit Solis nito namang Biyernes, August 4, nakita diumanong nag-dinner sina Gretchen at Atong sa isang restaurant sa Greenhills, San Juan City.

“Sweet na sweet” din daw ang dalawa.

Bahagi ng post ni Lolit, “Usap-usapan ng mga waiters na kumain dun ng dinner si Gretchen Barretto at Atong Ang at nag-order ng peking duck at sweet na sweet, na si Atong ang gumagawa ng rolls para kay Gretchen.

"May mga kasama naman daw pero sobra raw ang sweetness nilang dalawa.

"Naloka kami dahil nung una kay Claudine nali-link si Atong, ngayon sa sister niyang si Gretchen.

"At isa pang ikinaloka ko, iyong waiter hindi makapaniwala na may ganun kalaking diamonds.

"Sabi niya talaga, ang lalaki ng bato parang hindi tutoo ang suot ni Gretchen. Hah hah hah."

Naku iyong mga tao madalas magtanong sa aming mga reporter kung saan namin nakukuha ang mga balitang sinusulat namin. Ay naku, kung saan-saan talaga ang sources namin, iyong iba lalapit pa para magkuwento. hah hah hah. Gaya na lang nang magbigay ng lunch si Mother Lily para kay Manay Ethel sa Gloria Maris resto sa Greenhills. Usap-usapan ng mga waiters na kumain dun ng dinner si Gretchen Barretto at Atong Ang at nag-order ng peking duck at sweet na sweet, na si Atong ang gumagawa ng rolls para kay Gretchen. May mga kasama naman daw pero sobra raw ang sweetness nilang dalawa. Naloka kami dahil nung una kay Claudine nali-link si Atong, ngayon sa sister niyang si Gretchen. At isa pang ikinaloka ko, iyong waiter hindi makapaniwala na may ganun kalaking diamonds. Sabi niya talaga, ang lalaki ng bato parang hindi tutoo ang suot ni Gretchen. Hah hah hah. Buti na lang wala si Salve kundi inggit siya. Pero ako mas madalas nakakakuha ng tsismis sa parlor sa mga make up artist kasi nga mas istambayan ng mga sosyalera ang parlor, kung minsan sa mga flight attendants 'di ba Ricky Lo? Itanong n'yo pa kay Ricky kung sino iyon mag-sweetheart na tuwing go sa restroom ng eroplano ang babae kinakalkal ng lalaki ang bag ng babae at kinukupitan ng dollars. Hah hah hah. Sure ako deny iyan Ricky. Iyan mga source namin ng mga balita ngayon nga sa Insta at siyempre sa columns ko sa Pilipino Star Ngayon at Pang Masa. May makukuha ka na rin sa mga comment. Hah naku pero sasalain n'yo rin balita ha meron diyan hindi naman tutoo, gawa gawa lang. Madali naman maramdaman ang tutoo at fake. Hah hah hah. #70naako #lolitkulit #instatalk

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

FAMILY FRIEND. Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Claudine sa telepono ngayong Martes, August 8.

Tinanong namin siya tungkol sa ugnayan ng kanilang pamilya at sa pagli-link ng kanyang Ate Gretchen sa negosyante.

Ayon kay Claudine, family friend lang talaga nila si Atong Ang.

Saad niya, “Huwag naman. Alam mo, kawawa, huwag naman ganun.

"Si Tony, malaki ang respeto lahat kay Tonyboy.

"Pati naman kay Atong, malaki ang repeto namin.

“Kaibigan lang talaga namin dahil nga nagkataon lang na naging girlfriend niya yung isang pamangkin ko.”

Si Tonyboy Cojuangco ang longtime partner ni Gretchen.

Sabi pa ni Claudine tungkol kay Atong, “Family friend siya.

"Napakabuting tao ni Atong, wala akong masabi diyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabuting kaibigan, kaya siguro naano… nabibigyan ng malisya.

“Huwag naman nilang lagyan ng malisya kasi hindi naman bawal makipagkaibigan sa lalaki, di ba?"

Dagdag niya, “At saka very much in love si Tony at si Gretchen.

"Huwag sana lagyan ng malisya ng ibang tao.

“I mean, hindi kami… ako talaga, mas alam ko, ang ate ko, kaya sila nagtagal ni Tonyboy dahil loyal at faithful ‘yan.

"Very faithful ‘yan.

“Masaya, masaya sila ngayon, yung pamilya nila.”

Pakiusap pa niya sa mga gumagawa umano ng tsismis tungkol kina Gretchen at Atong, “Sana matigil na ‘yan.

"Yung tsismis na ‘yan, ewan ko kung meron silang business together or whatever.

"Pero yung kuya ko, si Jay-Jay [Barretto], may business sila with Atong.

“Tapos yung anak ni Jay-Jay ang naging girlfriend ni Atong ng ilang taon.”

Dati na ring naugnay ang pangalan ni Claudine kay Atong.

Sabi nga ng aktres, “Ako yung una, ngayon yung kapatid ko naman yung binibigyan ng malisya... huwag naman."

CLAUDINE, IN LOVE? Isa pa sa inusisa namin kay Claudine ay ang tungkol sa balitang may nanliligaw raw sa kanya ngayon.

Natatawang sagot niya, “Hanggang padala lang ng flowers, hindi ko in-entertain!”

May nakarating naman sa PEP na may larawan daw si Claudine kasama ang isang lalaking pinaghihinalaang karelasyon niya.

Pero hindi raw ito maalala ng aktres.

Baka may nagpa-picture lang daw sa kanya katulad nang nakunan siya kasama ang isang baklang stylist.

Pagdating naman sa kanyang kalusugan, maayos na raw siya ngayon at nakapagbawas na ng lagpas 20 pounds.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN