Gerald Anderson awed by Kim Chiu on her first triathlon: "Ang galing niya."

IMAGE Bernie Franco

Gerald Anderson is all praises to leading lady Kim Chiu who joined the Ironman 70.3 triathlon in Cebu City, last Sunday, August 6. "Hindi po biro ang ginawa niya. Hands down ako. Sobrang bilib ako sa kanya, honestly," said Gerald. 


Puring-puri ni Gerald Anderson ang kanyang leading lady at dating girlfriend na si Kim Chiu sa pagsali nito sa Ironman 70.3 triathlon, sa Cebu City, noong Linggo, August 6.

Sina Gerald at Kim ay kabilang sa mga artistang sumali sa triathlon; kagaya nina Piolo Pascual, Matteo Guidicelli, Jake Cuenca, at Enchong Dee.

“Hindi po biro ang ginawa niya. Hands down ako. Sobrang bilib ako sa kanya, honestly,” papuri ni Gerald kay Kim.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng kanyang upcoming action movie na AWOL nitong Martes, August 8.

Nagbigay ng good-luck message si Gerald kay Kim sa isang Instagram story na in-upload ng isang makeup artist noong Linggo.


Stories We Are Tracking

Kim, Enchong, and other celebs compete at Iron Man triathlon
Kim, Enchong, and other celebs compete at Iron Man triathlon

May mga fans namang ikinatuwa ang mensahe ng aktor kay Kim.

Sabi ni Gerald, “I’m just being me, hindi lang naman si Kim.

"I wished almost all the athletes na nakasalubong ko ng good luck."

Hindi maitago ni Gerald ang pagkabilib niya kay Kim.

Mensahe ng aktor, “[F]or her to do that, for her to push herself physically and mentally sa 21K na yon in the heat, ang galing niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN