Jean Saburit still living in fear despite PPO against American ex-boyfriend

IMAGE Screen grab from ABS-CBN

Matinding takot pa rin daw ang nararamdaman ng beauty queen-turned-actress na si Jean Saburit kahit ipinagkaloob na ng korte ang hiniling niyang Permanent Protection Order (PPO) mula sa American ex-boyfriend na si James Andrew Jackson.


Matinding takot pa rin daw ang nararamdaman ng beauty queen-turned-actress na si Jean Saburit kahit ipinagkaloob na ng korte ang hiniling niyang Permanent Protection Order (PPO) laban sa American ex-boyfriend na si James Andrew Jackson.

Si Judge Elma Rafallo-Lingan ng Branch 159 ng Pasig City Regional Trial Court ang nagbaba ng desisyon kaugnay ng petition ni Jean.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang akres, ikinuwento nitong may mga oras na natutulog siya at biglang nagigising na parang nakatitig sa mukha niya ang kanyang ex-boyfriend.

Nararanasan pa rin daw niya ngayong ma-hack ang kanyang cellphone at email account.

Ayon sa impormasyong nakarating sa kanya, posibleng nasa Asia si Jackson dahil wala ito sa Amerika.

Ipinakita ni Jean sa PEP ang mga litrato ng kanyang injuries na resulta ng suspicious accident na nangyari noong may relasyon pa sila ni Jackson.

Ikinuwento rin niya ang lahat ng mga insidente.

Noong December 8, 2014, nakaramdam daw si Jean ng pagkahilo at tuluyang nawalan ng malay nang painumin umano siya ni Jackson ng alcoholic drink habang nasa Manila Peninsula sila.

Dinala ni Jackson si Jean sa isang condominium building sa Makati City, at dito raw pinagsamantalahan ang walang malay na aktres.

Noong May 17, 2015, bumili si Jean ng bagong gas stove na inayos ni Jackson.

Nang gagamitin ni Jean ang kalan, bigla raw itong sumabog kaya nasunog ang kanyang braso at kamay.

Nagpapasalamat ang aktres dahil biglang nag-ring ang cellphone niya na kanyang sinagot. Dahil kung hindi, siguradong ang mukha niya ang napuruhan ng sumabog na kalan.

Noong June 2015, pinilit diumano ni Jackson na uminom ng alcoholic drink si Jean.

Nang malasing ito, pinagsuot niya ang aktres ng silk socks at pinilit na maglakad sa madulas na sahig na naging dahilan para bumagsak at ma-injure ang lower back ng dating beauty queen.

Nag-hire si Jean ng private investigator sa Amerika, si Mike Dirickson, para imbestigahan ang background ni Jackson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito ay nalaman niyang isang controlling person at namatay na ang karamihan sa mga nakarelasyong babae ng kanyang American boyfriend.

Sinampahan ni Jean si Jackson ng paglabag sa Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act) noong September 2015.

Ito ay dahil sa acts of violence at verbal abuses na naranasan nila ng kanyang anak na si Nicole Anderson sa kamay ng respondent.

Nakalagay sa inilabas na Permanent Protection Order ng korte ang mga sumusunod:

1. Prohibiting respondent from committing, or threatening to commit personally or through another, any acts mentioned in Section 5 of R.A. No.9262

2. Prohibiting respondent from harassing, annoying, calling through phone, contacting or otherwise communication with petitioner and her daughter, directly or indirectly.

3. Directing respondent to stay away from petitioner, her daughter and to stay away from petitioner’s current residence, and other places frequented by the petitioner where she may be otherwise harassed or abused by the respondent.

4. Prohibiting the respondent from any use or possession of any firearm or deadly weapon and to surrender the same to the Court for appropriate disposition.


Stories We Are Tracking

<p>Jean Saburit files misrepresentation complaint against ex-BF&

Jean Saburit files misrepresentation complaint against ex-BF&



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN