StarStruck alumna Ayra Mariano reveals reason for saying no to kissing scenes

IMAGE Noel Orsal

Ayra Mariano: "I'm more like an old soul, traditional, conservative way po siguro."


Kabilang man sa sinasabing millennial ang StarStruck 6 First Princess na si Ayra Mariano, nananaig pa rin ang pagiging conservative niya.

Patunay ang paninindigan niyang wala muna siyang gagawing kissing scene hangga't hindi pa dumarating ang lalaking mamahalin niya.

“Not muna, not ever, until I find that person na ibibigay sa akin,” sabi ni Ayra sa ginanap na press conference ng bagong weekly youth-oriented show na GRIND kagabi, August 8.

Minsan na raw itong naging isyu noong nasa StarStruck pa siya.

“Kasi po, mayroon kaming 'Kiss Flicks' noon and hindi po ako nagpa-kiss.

"Kasi yun nga po ang promise ko sa sarili ko and promise ko po kay Lord.”

Sa naturang parte ng StarStruck, kinailangan makipag-kissing scene noon ng mga babaeng contestant sa dating Kapuso actor na si Aljur Abrenica.


Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nabanggit ng 19-year-old Kapuso talent na dati na siyang nanindigan sa paniniwalang ito kahit ang posibleng kapalit ay ang pagkapanalo niya sa StarStruck.

Aniya, “Yun nga before, tinanong din sa akin, 'Is it okay if di ka manalo dahil sa kiss?'

“I said yes. Hindi ko ipagpapalit yung P1 million sa stand ko for myself. This is me.”

Gayunman, agad niyang nilinaw, “Pero ito po ay sa aking opinyon lang. I do not mean to offend anyone.

“Siguro po, ito rin yung nakalakihan ko rin.

“Siyempre, siguro as Christian din, ito ang nakalakihan kong paniniwala sa buhay.

"Siguro, yun talaga ang lumalabas sa puso ko. Pagpasensiyahan niyo na po."

Kung siya raw ang tatanungin, mas gusto niyang manatiling konserbatibo sa kabila ng pagiging agresibo ng mga kabataan ngayon.

Pahayag ni Ayra, “I want din naman na bumalik ang traditional way dito sa Philippines.

“Yung pagiging conservative, Maria Clara, ibalik natin para may maimpluwensiyahan [na mga kabataan].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “Yun ang trabaho namin as an actor, we have to influence our audience, to influence the youth.

"Mayroon mga bagay na mas mahalaga muna before anything else and you have to prepare for that.

“Kasi ang mundo natin sobrang mabilis, sobrang ibang klase, aggressive ang mundo ngayon, hindi mo na maintindihan.

"So ikaw, as a person, you have to guard din yourself.”

NO BOYFRIEND YET. Makakapareha ni Ayra sa GRIND ang kapwa niya Kapuso star na si Bruno Gabriel.

Paano kung mabigyan sila ng kissing scene dito?

Natatawang sagot ni Ayra, “Puwede namang daya. Huwag naman po!”


Sa ngayon, tila hindi pa naman hinahangad ni Ayra ang magkaroon ng boyfriend.

Katuwiran ng dalaga, “Kasi, darating 'yan kung darating 'yan.

“Kung ibibigay sa 'yo ni Lord, ibibigay 'yan sa 'yo.

"Pero huwag mong hanapin, huwag kang magmadali, don't rush things.

“Kasi, kapag patiently waiting ka, may mga bagay kang sina-sacrifice, ibibigay naman sa 'yo ni Lord 'yon, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN