Ellen Adarna brushes off kiss with Baste Duterte months after their breakup

IMAGE Nikko Tuazon / Facebook @riomusiccebu

Ellen Adarna on recent kiss with Baste Duterte: "That was nothing! Parang, okay, he's my ex-boyfriend and it's like, for us, we're still friends. He's like my friend, we still talk but wala na talaga. Wala na, wala na. I've moved on and I don't know who he's seeing."


Nilinaw ng Kapamilya actress na si Ellen Adarna na walang ibig sabihin ang halikan nila ng presidential son na si Sebastian ‘Baste’ Duterte kamakailan.

Naging viral sa Facebook ang video ng kanilang halikan sa isang bar sa Cebu City, matapos kumanta ni Ellen ng Cebuano song na "Pero Atik Ra" ni Jacky Chang.


Stories We Are Tracking

Ex-couple Ellen Adarna and Baste Duterte kiss in public
Ex-couple Ellen Adarna and Baste Duterte kiss in public

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ellen sa launch ng Luxxe White Reveal ng Frontrow, sa Whitespace Makati, nitong Martes ng gabi, August 8, idineklara niyang naka-move on na siya kay Baste.

Pahayag ni Ellen, "That was nothing!

"Parang, okay, he's my ex-boyfriend and it's like, for us, we're still friends.

"He's like my friend, we still talk, but wala na talaga. 

"Wala na, wala na. I've moved on.

"And I don't know who he's seeing."

Ibinahagi rin ng dating Langit Lupa actress ang panig niya tungkol sa paghalik sa kanya ni Baste.

Lahad ni Ellen, "He knew naman, when we broke up, that song 'Pero Atik Ra,' it's Bisaya...

"You guys won't understand it. Only Bisayas would understand yung ano [meaning] ng kantang yun.

"I guested on that show and made me sing 'Atik Ra' because they all knew na when we broke up, that was my moving on/hurting song, mga ganun.

"Pinakanta nila ako and lasing na kami, di ba?

"After I sang the song, he went up to me and kissed me."

Diin pa niya, It's really nothing, wala lang."

Ang TV program na tinutukoy ni Ellen ay ang reality-adventure show ng TV5 na Lakbai, kung saan isa sa mga host si Baste. 

May pag-asa bang magkabalikan sila ni Baste?

Mariing sagot ni Ellen, "Not na, wala wala."

Pabiro naman nitong sinabing tapusin na ang isyu nila ng ex-boyfriend.

Natatawang dagdag ng Home Sweetie Home star, "Alam mo, malapit na mag-2018. 2016 pa si Baste, ha!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, hindi pa raw nakikita ni Ellen ang sarili na papasok sa isang panibagong relasyon matapos makipag-break kay Baste.

"You know what, I want... ang sarap ma-in love, but for now, hindi ko pa nakikita...

"I can't imagine myself... wala pa, wala pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN