Philippine cinema contravida Zeny Zabala dies at 80

IMAGE Zeny Zabala's Facebook / Web

Veteran actress Zeny Zabala, who was known for her villainess roles, passed away yesterday, August 8. 


Kahapon, Agosto 8, pumanaw ang beteranang aktres na si Zeny Zabala dahil sa sakit nito sa kidney at iba pang kumplikasyon.

Base ito sa panayam ng ABS-CBN News Online sa anak ni Zeny na si Ana Liza Santos.

Si Zeny, Emerencia Ortiz Santos sa tunay na buhay, ay nakilala bilang kontrabida sa mga pelikula mula pa noong 1950s.

Ilan sa lead actresses na pinahirapan ni Zeny ay sina Lolita Rodriguez sa Binibining Kalog (1955), Gloria Romero sa Ikaw Ang Aking Buhay, Rita Gomez sa Talipandas (1958), at Susan Roces sa Dance-O-Rama (1963).

Ang lahat ng mga pelikulang nabanggit ay iprinodyus ng Sampaguita Pictures.

Nakatrabaho rin ni Zeny sina Gloria Romero sa Hootsy Kootsy (1955), Barbara Perez sa Berdaderong Ginto (1958), at Vilma Santos sa Baby Tsina (1984).

Patuloy na naging tanyag si Zeny bilang mataray na balae ni Comedy King Dolphy sa sikat na 1980s sitcom na John en Marsha.

Nasundan pa ng ibang proyekto ang pakikipagtrabaho ni Zeny sa Comedy King, kabilang rito ang mga pelikulang John en Marsha '85 (1985), Kalabog En Bosyo Strike Again (1985), at Tataynik (1998).

Isa sa mga nagpahayag ng pakikiramay sa naiwang pamilya ni Zeny ay ang comedian-actor na si John "Sweet" Lapus."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN