Alden Richards not quitting social media despite bashers, rumors

IMAGE Noel Orsal

Alden Richards chooses to see the positive side of social media. "Kasi kung titingnan yung masamang side, medyo marami siya, e, especially we're public figures," he says.


Sa kabila ng patuloy na pambabatikos at paglabas ng mga isyung hindi naman totoo, hindi raw kailanman naisipan ni Alden Richards na i-deactivate ang kanyang social media accounts.

Sa kasalukuyan, si Alden ay may 4.2 million Twitter followers at 2.3 million Instagram followers.

Ayon sa Pambansang Bae, “Personally kasi, hindi talaga ako mabasa ng comments on social media, bihirang-bihira, like Twitter, Instagram.

“Ang tinintingnan ko sa Instagram, pictures of family, pictures of friends, mga kasama ko sa showbiz, mga relo, sasakyan…

“Tapos pagdating naman sa Facebook, mga videos.

“That’s how I see social media. Tinitingnan ko na lang ang good side of it.

“Kasi kung titingnan yung masamang side, medyo marami siya, e, especially we’re public figures."

Patuloy ni Alden, “Sa mga public figures, medyo malaki ang downside ng social media because of the people.

"Ang daming comments, ang dami nilang gustong gawin, ang dami nilang gustong ipagawa, ang dami nilang gustong maging ikaw, ang dami nilang gusto nilang i-direct yung buhay mo kung saan dapat papunta.

“So, yun ang iniiwasan ko, kasi medyo stressful yun, e.

“So I’m just seeing the good side of social media based on how it helps lives and bring people closer.

"Dun ko siya tinitingnan ngayon." 

Ang ka-love team ni Alden na si Maine Mendoza ay nag-deactivate ng kanyang Twitter account noong Hunyo.

Paliwanag ni Maine sa kanyang tweet bago mag-deactivate, kinailangan niyang magpahinga muna dahil sa dami ng “negativity” sa social media.


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza reveals reason for deactivating her Twitter
Maine Mendoza reveals reason for deactivating her Twitter
When will Maine Mendoza reactivate her Twitter account?
When will Maine Mendoza reactivate her Twitter account?

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa CSR (corporate social responsibility) event ng Vida Nutriscience, Inc., manufacturer ng SnowCaps whitening product na ini-endorse ni Alden.  

Nakasama ni Alden ang street sweepers at mga tanod sa isang relaxing afternoon sa Blue Water Day Spa, nitong Miyerkules, August 9.

FALSE RUMORS. Ipinagkikibit-balikat lamang daw ni Alden ang mga ibinabatong isyu sa kanya sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaya na lamang ng pinakahuling isyu kung saan isang netizen ang nag-akusang isa na raw siyang binatang ama.

Mariin naman itong itinanggi ng Kapuso star.


Stories We Are Tracking

Alden Richards denies claim that he has a love child
Alden Richards denies claim that he has a love child

Pero ano ang masasabi ni Alden sa patuloy na paglabas ng mga isyu tungkol sa kanya?

Tugon niya, “Hindi ko na po ramdam, e, kasi parang I have so much on my hands right now.

“Wala na po akong time na intindihin yung mga on the side issues na ‘yan, and hindi ko po para sagutin whatsoever.

“Hindi ko naman po para pansinin yun.

"Kasi alam naman po ng mga tao sa paligid ko kung ano yung totoo.

“Minsan po may mga issues na napapabayaan na gawa-gawa lang, and then later on, napapaniwalaan siya ng publiko.

"So it’s really based on the people’s discernment na lang kung saan sila maniniwala."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN