Kris Aquino to basher: "I rarely react to negativity but I do react to lack of comprehension."

IMAGE Noel Orsal

Hindi pinalusot ni Kris Aquino ang isang basher sa Instagram, na ayon sa TV host-actress ay mahina ang comprehension. Wala raw kasi siyang isyu sa mga taong nang-iwan sa kanya ngayong wala na sa kapangyarihan ang kanilang pamilya. 


Sinagot ni Kris Aquino ang isang basher sa Instagram na hindi raw naintindihan ang kanyang post tungkol sa mga taong “kilala ka lamang kapag ikaw ay nasa itaas.”

Sa post ni Kris kahapon, August 9, nakasaad dito ang mga katagang: “It is during the worst time of your life that you will get to see the true colors of the people who say they care for you.”

Mensahe naman ng TV host-actress sa comment section: “I was reminded last night by my sister to NEVER FORGET & ALWAYS BE GRATEFUL for those who continued caring for me & loving me & my sons even when I was really down, especially those who helped lift me up again. To all of you all my love, gratitude, appreciation, & LOYALTY.”

Dito ay sang netizen, na may handle name na @makimejino, ang nagkomento nang negatibo.

Sagot ni Kris, hindi raw naintindihan ng netizen ang buong kahulugan ng kanyang post.

Kung mayroon man daw siyang isyu sa mga taong feeling niya ay nang-iwan sa kanya, dapat ay pinangalanan na niya ang mga ito.

Bahagi ng sagot ni Kris, “Kung may issues man ako dapat pinangalanan ko lahat ng nakinabang sa kin & sa pamilya namin nung naka pwesto kami & now nag-disappear na.”

Dagdag pa niya, marami nang ibinabatong negatibong isyu sa kanya, pero hindi na lamang daw niya ito pinapatulan.

Sabi ng TV host-actress, “I rarely react to negativity but I do react to lack of comprehension.”


May sinagot pang ibang komento si Kris, at pinaalala niya ritong hindi siya nakikipag-away kundi itinutuwid lamang niya ang maling pagkakaintindi ng ilan.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN