Ahron Villena owns up to nude photo boo-boo: "Nagkamali lang talaga ako ng pindot that day."

IMAGE Ahron Villena Instagram

Ahron Villena on admitting his viral nude photo: "Pag dinenay ko, baka sabihin ng mga tao, 'Deny pa ito, kitang-kita naman ang pagmumukha niya.' Mali ko lang, nagkamali lang talaga ako ng pindot that day."


Muling nagpaliwanag si Ahron Villena tungkol sa kumalat niyang nude photo sa social media.

Inamin ng aktor na pagkakamali sa parte niya ang nangyari at hindi na niya nakontrol ang pagkalat nito.

Pahayag ni Ahron sa phone interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Actually na-post ko na yun sa Twitter, Instagram, and Facebook ko yung sagot ko.

"Kasi nga, akala ng iba, sinadya, parang picture daw yun, ganyan…"

Diin niya, “Hindi ko talaga alam na nahagip yung private part ko.

“Boomerang kasi yun.”

Ang Boomerang ay isang app sa Instagram kung saan maaaring ulit-ulitin ang isang one-second video.

Kuwento pa ni Ahron, “Galing ako ng taping ng La Luna [Sangre].

“Friday morning na ako natapos, around 5:30.

“Pagdating ko ng bahay, pagod at puyat…

“Usually kasi, mag-isa ako sa bahay, nagtanggal ako ng damit, pants, as in nude talaga.

“Wala akong pakialam, nasa bahay ako, walang tao, parang gusto kong maligo, na inaantok ako… hindi ko maintindihan.

“Nakahiga na ako, may ginawa ako sa Instagram, matutulog na ako, ima-mascara…

“Bumangon ako, gusto kong maglagay ng moisturizer, kasi parang dry yung skin ko.

“Parang mag-trip lang ba, mag-Boomerang nga ako…”


Stories We Are Tracking

Ahron Villena posts his nude photo on Instagram
Ahron Villena posts his nude photo on Instagram
Ahron apologizes for mistakenly uploading nude pic
Ahron apologizes for mistakenly uploading nude pic

AHRON’S MISTAKE. Patuloy ni Ahron, “Hindi ko naman napansin na, kasi from my face yung phone ko, galing from my face, dumidila ako, tapos nilayo ko.

“Di ba, ganun ang Boomerang, umuulit-ulit lang siya?

“Then ise-save ko siya supposedly, hindi ko nakita yung Boomerang ko, pagka-Boomerang ko.

“Kasi nga, nagmamadali ako, nagkamali ako ng pindot.

“Yung napindot ko, YourStory, hindi ako aware na nagkamali ako, ibinaba ko yung phone.”

Ang tinutukoy ni Ahron ay ang Instagram Story, isang app kung saaan maaaring mag-share ang user ng photos at videos na mawawala pagkatapos ng 24 oras.

Lahad pa ng 30-year-old actor, “Pumunta ako ng banyo, and then naglagay ako ng moisturizer sa mukha bago ako matulog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then, ne-realize ko, ‘Na-save ko ba? Check ko nga phone ko.’

“Pag-check ko ng phone ko, ‘Bakit wala sa gallery?’

“Pag-check ko sa Instagram Story, dun siya napunta. Dinelete ko agad siya nung nakita ko.

“May gap siya ng kaunti, kasi may 2 minutes dun sa upper... so 2 minutes na siyang naka-post.

“Quarter to 7 [AM] yun, may bagyo nun, so feeling ko, ‘Ay, wala naman sigurong nakapansin, wala naman sigurong nakapag-save o nakapag-screenshot.’

“Saka alam ko, pag Boomerang, babalik sa iyo, unless may nakapag-screen shot… hindi pumasok sa isip ko yun.

“Binura ko agad, hindi ko na siya sinave.

“Pero pag ganun ko, nakita ko may, mga naka-views na, 5 views.

“Hindi ko alam kung yun na yun, sabi kasi ng mga friends ko, ‘Hindi mo ba na-refresh?’

“Baka daw may mga nakakita na mas marami.

“Sabi ko, ‘Hindi, tulog ang mga tao, walang pasok ang mga tao.’”

FIRST MESSAGE. Pagpapatuloy na kuwento ni Ahron, “After 5 to 10 minutes, may nag-DM [direct message] sa akin sa Instagram, ‘What’s wrong with you, man? Mayroon kang nude photos sa IG stories mo.’

“Tapos may sinend na photos yung nag-message sa akin. Hindi ko alam kung io-open ko o hindi.

“Sabi ko, ‘Sige, i-open ko.’

“Di ba, pag Instagram, may nakalagay, decline and allow?

“Ang ginawa ko, in-allow ko para makita ko yung photo na sinend niya, click ko yung photo, kasi blurred siya.

“Hangga’t di mo ina-allow, blurred siya.

“Ayun na, may screenshot siya na nahagip!

“Sabi ko, ‘Hassle ito, may nakapag-screenshot.’

“So, sabi ko, ‘Thanks man, blah, blah, blah.’

“Sabi ko, ‘Hindi ko napansin, pakibura na lang. Paki-delete na lang yung photo na nasa iyo. Nabura ko na rin naman sa IG stories ko.’

“Sabi niya, ‘Sige, buburahin ko na lang. Don’t worry, for my eyes only.’ Ganun pa sinabi niya sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GOING VIRAL. Pagkatapos nito ay may mga sumunod pang nag-message kay Ahron tungkol sa nasabing nude photo.

Dito ay tinawagan na niya ang kanyang manager na si Freddie Bautista para sabihin ang nangyari.

Kuwento ni Ahron, “After nun, nakahiga na ako sa bed ko, bothered na ako, sabi ko baka may nakapag-screenshot pang iba.

“After 15 minutes, may nag-DM uli sa akin, ganun din. So, sabi ko, dalawa na.

“Tapos natulog ako, paggising ko, tinawagan ko agad si KF [his manager].

“Sabi ko, ‘KF, mayroon akong stupid na nagawa this morning.’

“Tanong niya, ‘Ano nagawa mo?’ Wala siyang idea.

“Sabi ko, ‘Sasabihin ko na sa iyo, kasi baka mamaya medyo magulat ka, biglang may tumawag sa iyo.’

“Kinuwento ko sa kanya, sabi niya, ‘Oh, my God, ano ang nangyari?’

“Sabi ko, 'Wala naman, may nag-send lang sa akin ng photo, na-screenshot.'

“Sabi niya, ‘Send mo nga sa akin.’ Sinend ko sa kanya… ‘Wala pa bang nagme-message sa iyo so far?’

“Sabi ko, wala pa naman kundi yung dalawa.

“Right after naming mag-usap, si MJ Felipe, nag-message sa akin, sinend din niya yung picture sa akin. ‘Totoo ba ito? Ikaw ba ito?’

“Nasa group daw sila, Viber or what, may nag-send ng photo.”

TELLING THE TRUTH. Ayon kay Ahron, nagdesisyon siyang aminin na lang ang nagawa kaysa mag-deny.

Saad niya, “Hindi ko alam kung paano ko pa ide-deny yung picture.

“So, sabi ko, well, nangyari na, i-admit ko na lang, wala na, alangan namang ide-deny ko pa.

“Pag dinenay ko, baka sabihin ng mga tao, ‘Deny pa ito, kitang-kita naman ang pagmumukha niya.’

“Mali ko lang, nagkamali lang talaga ako ng pindot that day.

“After nun, yung Facebook ko, yung phone, wala, parang may notification na sa Facebook, Instagram… lahat.

“In-off ko na yung mga notifications, kasi sunud-sunod na siya hanggang gumabi na, yun na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos may nag-send sa akin, parang trending ako sa Twitter.

“Sabi naman ng manager ko at mga kaibigan ko, ‘Okay lang ‘yan, positive naman ang feedback sa iyo.’

“So, tinatawanan ko na lang siya.

“Parang nahihiya ako, pero okay na lang din, wala namang mawawala sa akin, ganun na lang.”

Bago ang pagkalat ng nude photo na ito ni Ahron ay may nauna na ring kumalat na nude photo diumano ng aktor na kuha sa isang eroplano.

Ngunit ayon kay Ahron, photoshopped o pineke ang naturang larawan.

“Ay, oo, nakita ko din yun. Yun, edited naman yun.

“Sabi ko nga, ang galing ng mga nag-edit, ang linis.

“Hindi na nga ako nag-react. Okay na ‘yan, sabi ko, halos kapareho naman nung sa akin din. Bakit pa ako magre-react, di ba?

“Kasi kung sa akin yun, nag-react na ako same itong nangyari.

“Malinis lang ang pagkaka-edit,” pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN