Ahron Villena no longer wants to comment about issue with Kakai Bautista

IMAGE Cacai Bautista Instagram / Ahron Villena Instagram

On people questioning his gender, Ahron Villena says, "As long as you know who you are, alam mo sa sarili mo na wala ka namang natatapakan, bahala silang mag-isip, bahala kayo, ganyan."


Iwas nang sumagot si Ahron Villena nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) tungkol kay Kakai Bautista.

Pahayag ng aktor, “Hindi na, huwag na nating pag-usapan ‘yan.

“Nag-promise na ako sa sarili ko, hindi ko na pag-uusapan ‘yan.

“Baka humaba pa nang humaba, basta ako, no comment na ako."

Paliwanag pa ni Ahron, “Baka mamali ako ng sasabihin, like, katulad ng sinabi niya sa interview niya na wala siyang ibang ibig sabihin, ayokong may masabi din ako na baka mamaya ma-misinterpret ng mga tao, niya, so mahirap na.

“I’d rather na wag na lang pag-usapan ‘yun para tapos na.” 

Pero kumusta na sila ngayon ni Kakai?

Sagot ng La Luna Sangre actor, “Okay naman, okay naman kami, civil lang pag nagkita, pag may trabahong magkasama.

"Okay naman... huwag na nating pag-usapan yun, ayoko na."

GENDER ISSUE. Samantala, noon pa man ay may mga isyu nang lumabas na nagkukuwestiyon sa pagkalalaki ni Ahron.


Stories We Are Tracking

Kakai Bautista: Ang MAHALAGA hindi ka Natakot maging TOTOO
Kakai Bautista: Ang MAHALAGA hindi ka Natakot maging TOTOO

Pero pinagtatawanan lang daw ito ng aktor.

Saad niya, “Natatawa na lang ako, sa totoo lang.

“Sabi ko nga, alam ko kung ano ako, alam ko sa sarili ko kung ano ako, so bahala kayo kung ano ang iisipin ninyo.

“Basta ako, alam ko, confident ako sa sarili ko na yung mga gender-gender na inaano nila, hindi naman natin maiiwasan.

"Kasi alam mo naman sa industry natin, lahat, gagawan at gagawan nila.

"Ako, hindi ko na lang pinapansin ang mga ganyan."

Ayon pa sa aktor, “As long as you know who you are, alam mo sa sarili mo na wala ka namang natatapakan, bahala silang mag-isip, bahala kayo, ganyan.”

“SINGLE AND READY TO MINGLE.” Nang tanungin ng PEP.ph kung may girlfriend siya ngayon, sinabi ni Ahron na pinagtutuunan muna niya ng pansin ang kanyang trabaho.

“Ngayon wala, e, focus muna ako sa work ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagha-hang out ako, may mga girl friends ako, kaibigang babae, may mga pinapakilala, pero ganun lang.

“Once a week lumalabas kami, okay naman.”

Dagdag niya, “Hindi naman ako naghahanap. Pag may dumating, ganun lang.

“Kusa namang darating ‘yan, e. Kasi pag naghahanap ka, gusto ko dati, tapos wala naman.

“I am single, ready to mingle.”

Wika pa ni Ahron, nagsusumikap daw siya para makaipon.

“Work muna, just like itong sa La Luna Sangre.

“Nag-iipon ako kasi ako kasi ayoko nung, for example, magkaka-girlfriend ako uli, I wanna make sure na stable na ako sa buhay ko, sa sarili ko.

“Ang hirap, e, hindi naman porke’t maggi-girlfriend ka, aminin naman natin, lalabas, kakain, most of the time ikaw ang gagastos.

“Pero sabi ko nga, pag may dumating, hindi maiiwasan.

"Pero sa ngayon, nag-e-enjoy ako bilang single,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN