Andrea Torres speaks out about her exit from Triple A management

IMAGE Noel Orsal

"Ang importante naman sa akin, di ba, ang showbiz, parang maliit na mundo lang, so parang sabi nga nila, don't burn bridges," says Andrea Torres about her leaving Triple A talent management.


“Happy ako ngayon.”

Ito ang paulit-ulit na sinabi ni Andrea Torres nang tanungin ng entertainment reporters ang tungkol sa pagpapalit niya ng talent management.

Mula sa Triple A management, lumipat na sa GMA Artist Center ang Kapuso actress.

Ayon kay Andrea, hindi ito biglaang desisyon. Pinag-isipan daw niya ito nang mabuti.

“Siyempre po. Sa lahat naman ng ginagawa ko, nagdadasal naman ako, pinag-iisipan ko naman talaga, hindi naman siya bara-bara.

“Ang importante naman sa akin... di ba, ang showbiz, parang maliit na mundo lang, so parang sabi nga nila, don't burn bridges.

"So, parang sa mga decision na ito ay okay pa rin kami, di ba?” pahayag ni Andrea sa press conference ng GMA primetime series na Alyas Robin Hood, kagabi, August 9.

Tumangging magbigay ng detalye ang leading lady ni Dingdong Dantes sa kanyang naging desisyon.

Gayunman, iginiit niyang walang nagbago sa relasyon niya sa mga tao sa Triple A management, lalung-lalo na kina Mr. Tony Tuviera at Rams David.

Pahayag ni Andrea, “Mahirap po kasi mag-discuss ng bagay na yun, kasi it's between the two of us.

"Parang may respeto naman po ako sa Triple A, maganda po ang samahan namin, and mahal ko sila.

“Actually, kahapon nakita ko si Tatay Tuviera and si Ateng Rams.

“We're okay, nag-hug kami, nakakapagkuwentuhan kami, normal kami.”


Stories We Are Tracking

Andrea to leave Triple A amid issue with Marian?
Andrea to leave Triple A amid issue with Marian?

PERSONAL ISSUES? Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang balitang nagkaroon diumano ng alitan sa pagitan ni Andrea at ng asawa ni Dingdong na si Marian Rivera.

Noong panahong iyon, pareho pa sila ng talent management.

Si Marian Rivera ay lumipat sa Triple A noong 2013.

Bago ito, matagal niyang naging talent manager si Popoy Caritativo.

Samantala, si Andrea naman ay unang naging talent ng GMA Artist Center (GMAAC).

Ayon sa kanya, naging co-managed lang siya ng GMAAC nang lumipat siya sa Triple A.

Dahil ba sa diumano'y hidwaan nila ni Marian kaya nagpalit ng talent management si Andrea?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ito direktang sinagot ni Andrea.

Sa halip, sabi niya, “Maayos po kasi akong nakaalis sa Triple A. Masaya ako doon.

“Ayaw ko na pong idetalye kung bakit.

"Kasi siyempre, happy na ako sa fact na may respetuhan kami nina Ateng [Rams], Tatay Tuviera, lahat ng part ng Triple A.

“Ayaw ko na po talaga ang detalye kung bakit, respect ko na lang sa kanila.

“Siyempre na-explain ko naman lahat sa kanila, yun naman ang importante, nagkaintindihan naman kami.”

STILL SUPPORTIVE. Kahit daw nagkaroon ng intriga sa kapwa niya Triple A talent, nadama naman daw ni Andrea ang suporta sa kanya ng mga tao sa naturang management.

Aniya, “Bukod kasi sa manager ko sila, parang naging family ko na rin naman.

“Marami na po silang alam tungkol sa akin, sa family ko.

“Na-feel ko naman ang pagmamahal na 'yon, kasi kapag nagkikita kami, may hug pa rin, small talk.

“Feeling ko, it will never go away, ganun pa rin.”

Sa huli, sinabi ni Andrea na masaya siya sa paglisan niya sa Triple A.

“Happy ako kasi walang nasirang relasyon sa amin ng Triple A.

“Kumbaga, hindi naman ibig sabihin na kapag naghihiwalay kayo, negative na.

“Ang maganda sa amin, naghiwalay kami nang maayos.”


Stories We Are Tracking

Marian and Andrea allegedly involved in snubbing incident
Marian and Andrea allegedly involved in snubbing incident
Marian, Andrea exchange messages on IG amid snubbing report
Marian, Andrea exchange messages on IG amid snubbing report


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN