Solenn Heussaff avoids talking about controversies involving fellow It Girls

IMAGE Noel Orsal

Solenn Heussaff always follow this mantra when posting on social media: "Just be true to yourself and the people will like you. Or will not like you, but at least they won't bash you because your faking it."


Naging laman ng balita kamakailan ang mga kaibigan at kapwa It Girls ni Solenn Heussaff na sina Isabelle Daza at Georgina Wilson.

Ito ay dahil sa kani-kanilang posts sa social media na hindi nagustuhan ng ilang netizens na nakakita nito.

Gayunman, hindi raw ito napag-uusapan ng grupo.

“I don't wanna talk about it, you know, kasi it's her issue,” sabi ni Solenn nang tanungin tungkol sa controversial post ni Isabelle.

Para sa Kapuso TV-host actress, mas mainam na huwag nang magsalita para hindi na lumaki pa ang isyu.

Aniya, “Alam naming ang daming ring nag-troll sa internet, so alam naming nagiging malaki yung issue or mas malaki than it should be.

“When the wind passes, tapos na 'yan, so I don't talk about it right now.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Solenn sa press conference ng Kapuso primetime series na Alyas Robin Hood kagabi, August 9.


Stories We Are Tracking

Isabelle Daza speaks up about
Isabelle Daza speaks up about "insensitive" joke on IG
Isabelle Daza draws flak over
Isabelle Daza draws flak over "insensitive" Instagram post

NEW SEASON. Nilinaw rin ni Solenn na hindi ito ang dahilan kung bakit hindi makakasama si Isabelle sa susunod na season ng reality show nilang It Girls.

Para sa ikalawang season ng programa, tanging sina Solenn at Georgina lang ang mapapanood ng fans.

Ayon kay Solenn, “Hindi [kasama si Isabelle] kasi ginagawa niya ang teleserye yata with Paulo [Avelino].

“Since maraming season yung It Girls, yung pangalawa is derived on Bestie, nagsulat kami ng book before.

“It's gonna be about us and our husbands, parang married life.

“Hindi 'yan dahil sa nega. Plano talaga 'yan since the start of the year.”

UNCONTROVERSIAL IT GIRL. Ano naman ang masasabi ni Solenn na sa kanilang grupo, tila siya lang ang hindi nasasangkot sa mga negatibong isyu?

Paiwas na sagot ni Solenn, “Really? Awkward.”

Pagdating sa social media, nagpapakatotoo lang daw siya sa kung anumang ipinu-post niya.

“Well, right now, since nag-open lang ako ng blog, two, three months ago, solenn.ph...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Totoo naman ako sa sarili ko, I don't have a curated feed, hindi super pro ang camera ko palagi, laging sa phone lang.

“Sa website ko naman, I just have to make sure naman na you have to be real.

“Kasi there's so many fake news, so many fake articles, so many na gawa na videos on YouTube, pagod na yung mga tao.

“You have to be real.

"So, yung website ko, walang masyadong makeup kapag nagluluto ako, walang lights, bulol-bulol pa ako. It's very natural lang."

Patuloy niya, “I write din. Minsan nagsusulat ako ng articles.

"Siyempre naman, yung pagsusulat ko, medyo like five-grader.

"But, at least, yung mga tao naiintindihan naman.

“Just be true to yourself and the people will like you. Or will not like you.

"But at least they won't bash you because you're faking it."

Kung siya raw ang tatanungin, hindi kumportable si Solenn sa titulong 'It Girl.'

“Ayaw ko talaga yung tagline na It, e. Hindi ko alam meaning ng It,” aniya.

Pero kung siya ang magbibigay ng kahulugan nito, sabi ni Solenn, “I think, if I have to define it, for me, as a positive sana, you can balance your personal life and your career.

“Stay true to yourself and be able to do the things that you want to do—parang kung gusto kong mag-paint, magpe-paint ako; kung gusto kong mag-act, mag-a-act ako.

“Then, treat everyone as equal. Yun ang mantra ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN