Thea Tolentino speaks up about breakup with Mikoy Morales

IMAGE Noel Orsal

Thea Tolentino on breakup with Mikoy Morales: "Na-feel namin na parang may igu-grow pa kami, pero not with… hindi yung magkasama kaming dalawa. May mailalabas pa kaming best namin nang walang tulong ng isa't isa."


Ilang oras lamang pagkatapos makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso actor-singer na si Mikoy Morales sa taping ng Pepito Manaloto kaninang hapon, August 10, hindi sinasadyang nakasalubong namin si Thea Tolentino sa GMA Network Center.

Sinamantala namin ang pagkakataon upang kunin ang pahayag ni Thea tungkol sa pag-amin ni Mikoy na break na sila matapos ang apat na taon.

Bakit sila naghiwalay ni Mikoy?

Ayon kay Thea, “E, ano… hindi namin actually alam na magbe-break kami.

“Nag-usap kami, ganito-ganyan, tapos alam mo yung na-feel niyo na lang na parang…

“Both naming na-feel na parang kailangan na maghiwalay.”

Base sa kuwento ni Mikoy, si Thea ang unang nag-o-open up tungkol sa posibilidad na tapusin na ang kanilang relasyon.

“Oo, una akong nagsasalita,” pagkumpirma ng 20-year-old actress.

May kinalaman daw sa kanilang career ang breakup nila.

Paliwanag ni Thea, “Kasi this year, naisip ko yung tungkol sa career ko, na gusto kong gawin sa buhay ko.

"Tapos, ayun, in-open ko sa kanya.

“Tapos parang, iyon na nga, habang nag-o-open ako, nag-open din siya.

“Parang na-feel naming parehas din na parang kailangan na rin.

“Kasi ako, madami akong natutunan din sa kanya, may natutunan siya sa akin.

"Tapos na-feel namin na parang may igu-grow pa kami, pero not with… hindi yung magkasama kaming dalawa.

“May mailalabas pa kaming best namin nang walang tulong ng isa’t isa.”

Patuloy niya, “Siyempre masakit, pero wala naman yung regret.”

Tulad ng sinabi ni Mikoy, inamin ni Thea na pareho silang umiyak sa breakup nila.


Stories We Are Tracking

Kapuso stars Mikoy Morales and Thea Tolentino break up
Kapuso stars Mikoy Morales and Thea Tolentino break up

CAREER OVER LOVE LIFE. Ibig bang sabihin, habang may relasyon sina Thea at Mikoy ay hindi sila masyadong maka-focus sa kanilang respective careers?

Paglilinaw ng dalaga, “Hindi naman. Nakakapag-focus kami.

“Pero iyon nga, kasi ang tagal din naming hindi nakapag-usap nang ganun, nang malalim na usapan.

“Dun namin nalaman yung kung ano pala ang naiisip ng isa…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinang-ayunan din ni Thea ang sinabi ni Mikoy na walang nag-fall out of love sa kanila at walang third party.

Ibig sabihin, mahal pa rin niya si Mikoy?

“Oo,” tugon ng Haplos actress.

“Nag-break kami nang okay, okay kaming parehas, nang wala kaming pinag-aawayan.”

Hindi ba mahirap iyon, na naghiwalay silang mahal pa nila ang isa’t isa, wala silang pinag-awayan, at walang third party involved? Na ginawa nila iyon dahil sa career?

“Hindi naman dahil sa career…” paglilinaw ni Thea.

IN THE FUTURE. Sinabi ni Mikoy na pareho nilang nais ng “greater things” sa kanilang career at personal na buhay.

Pagsang-ayon ni Thea, “Oo. Parang iyon nga, kasi ang hirap ding i-explain.

“Kasi parang na-feel namin din na, iyon nga, may mailalabas pa kami, we’re meant for greater things, but not yung magkasama.

“Tapos hindi natin alam kung ano din ang mangyayari sa future.

“Kasi, di ba, merong ano yun… right person at the wrong time. Parang ganun.”

Sinabi rin ni Mikoy na posibleng dumating yung time na settled na ang lahat, after a few years ay magkabalikan sila dahil mahal pa nila ang isa't isa.

Sabi ni Thea tungkol dito, “Puwede namang mangyari yun, kasi hindi naman natin alam kung ano ang mangyayari sa future.

“Tsaka ilang taon pa lang din naman kami.”

Turning 21 years old si Thea sa August 13; si Mikoy naman ay 23.

Kung kailan birthday ni Thea, saka naman sila naghiwalay.

In four years, first time ni Thea na magse-celebrate ng birthday na break na sila ni Mikoy.

“Last year nagkabalikan kami, birthday ko!” natawang sabi ng Kapuso actress.

FROM LOVERS TO FRIENDS? Dahil may circle of friends sila, kung sakaling lalabas sila, hindi kaya maging awkward?

“Hindi,” sagot ni Thea. “Iba yung breakup kasi namin ngayon sa breakup namin last year.”

Seven months daw silang naghiwalay last year. Bakit sila naghiwalay noon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyon naman, iyon yung may away kami. Mga ano, personal kiyeme-kiyeme,” sabi ng dalaga.

This time, wala silang pinag-awayan kaya puwede raw silang maging magkaibigan na nagkakasama sa mga gimikan, kasama ang iba pa nilang barkada.

Pero dahil wala silang pinag-awayan this time, hindi kaya after ilang weeks or months lang ay magkabalikan sila?

Sagot ni Thea, “Hindi natin alam, pero ayoko naman isipin at saka pangunahan kung ano'ng mangyayari.

“Tsaka, we think na kailangan namin ng pahinga muna nang yung hindi kami para mag-grow up din.”

Kung may manligaw sa kanyang iba?

“Okay lang kung type ko. Charot!” natatawang biro ni Thea.

Kung malaman niyang may ibang nililigawan si Mikoy?

“Okay lang sa akin.”

Hindi raw siya magagalit kay Mikoy.

THEA’S EX-BOYFRIEND. Ano ang mami-mis niya kay Mikoy?

Saad ni Thea, “Mami-miss ko yung… kasi sa kanya ako lagi nag-o-open up.

“And sa ngayon kasi, fresh pa din naman kasi yung breakup namin, parang medyo ano pa... dun lang sa yung pag-open up, ganito-ganyan.

“Although puwede pa rin naman kaming mag-usap about dun, pero siyempre kaya din kami nag-break in the first place is para matuto kami nang mag-isa.

“Kasi napapansin namin na parang nagiging dependent kami sa isa’t isa.

“So, parang kung aasa pa rin kami dun sa isa, parang wala rin.”

Nais daw nilang maging independent from each other.

Sa apat na taon nilang relasyon, ano ang mga natutunan ni Thea?

“Ako kasi… si Mikoy, sobrang open-minded niyang tao, tapos iba talaga on how he sees things.

“Tapos dun ako natuto na parang hindi lang simple yung nakikita ko sa isang bagay, parang napapalawak ko.”

Naging broad-minded daw siya tulad ni Mikoy.

“Oo, naiba yung paningin ko sa mga bagay-bagay.”

Mahal pa rin ba niya si Mikoy?

“Oo!” bulalas ni Thea.

Hindi iyon nabawasan?

“Hindi naman.”  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN