Ahron Villena laughs off gay rumors: "Alam ko sa sarili ko kung ano ako."

IMAGE Ahron Villena Instagram

Ahron Villena on being single: "Kusa namang darating 'yan, e. Kasi pag naghahanap ka, gusto ko dati, tapos wala naman. I am single, ready to mingle."


Pinagtatawanan na lang daw ni Ahron Villena ang tila hindi pa rin mamatay-matay na isyung kumukuwestiyon sa kanyang pagkalalaki.

Saad ng aktor, “Natatawa na lang ako, sa totoo lang.

“Sabi ko nga, alam ko kung ano ako, alam ko sa sarili ko kung ano ako, so bahala kayo kung ano ang iisipin ninyo.

“Basta ako, alam ko, confident ako sa sarili ko na yung mga gender-gender na inaano nila, hindi naman natin maiiwasan.

"Kasi alam mo naman sa industry natin, lahat, gagawan at gagawan nila.

"Ako, hindi ko na lang pinapansin ang mga ganyan."

Ayon pa sa aktor, “As long as you know who you are, alam mo sa sarili mo na wala ka namang natatapakan, bahala silang mag-isip, bahala kayo, ganyan.”

“SINGLE AND READY TO MINGLE.” Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung may girlfriend siya ngayon, sinabi ni Ahron na pinagtutuunan muna niya ng pansin ang kanyang trabaho.

Kabilang siya ngayon sa cast ng ABS-CBN primetime series na La Luna Sangre.

Ayon sa aktor, “Ngayon wala, e, focus muna ako sa work ko.

“Nagha-hang out ako, may mga girl friends ako, kaibigang babae, may mga ipinapakilala, pero ganun lang.

“Once a week lumalabas kami, okay naman.”

Dagdag niya, “Hindi naman ako naghahanap. Pag may dumating, ganun lang.

“Kusa namang darating ‘yan, e.

"Kasi pag naghahanap ka, gusto ko dati, tapos wala naman.

“I am single, ready to mingle.”

Wika pa ni Ahron, nagsusumikap daw siya para makaipon.

“Work muna, just like itong sa La Luna Sangre.

“Nag-iipon ako kasi ako, kasi ayoko nung, for example, magkaka-girlfriend ako uli, I wanna make sure na stable na ako sa buhay ko, sa sarili ko.

“Ang hirap, e, hindi naman porke’t maggi-girlfriend ka, aminin naman natin, lalabas, kakain, most of the time ikaw ang gagastos.

“Pero sabi ko nga, pag may dumating, hindi maiiwasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sa ngayon, nag-e-enjoy ako bilang single,” saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN