Billy Crawford on Coleen Garcia: "I want to be the best husband that I can be for my wife."

IMAGE Instagram @coleen

Billy Crawford puts behind jealousy issue with fiance Coleen Garcia, "I don't think I should comment about the selos-selos thing because it doesn't really make any sense, really. Ang tagal-tagal na yun. That's her job."


Aminado si Billy Crawford, 35, na mapagbigay siya sa kanyang fiancé na si Coleen Garcia, 24, na kung minsan ay tinatawag niyang “my boss lady.”

Anong klaseng mister kaya siya kapag kasal na sila?

Sagot ng It’s Showtime host, “Hindi ko siguro alam kung anong klaseng husband ako, or what Coleen would be as a wife.

“Pero as my goal, I want to be the best husband that I can be for my wife.”

Hindi man perpekto ang kanilang relasyon, natutunan daw nila ni Coleen na pag-usapan kung anuman ang hindi nila napagkakasunduan.

Dugtong ni Billy, “And I’m sure Coleen is doing the same thing.

“We’re working on everything now, para pagdating dun sa kasal, okey na.”  

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Billy nang ilunsad ang bagong talent/variety show ng ABS-CBN, ang Little Big Shots, na magsisimulang umere sa August 12. 

Ginanap ang presscon sa ABS-CBN Dolphy Theater noong August 8. 

JEALOUS ISSUE. Nang maungkat ang pagseselos ni Billy sa mga nakatrabahong leading men ni Coleen noon, tumanggi ang TV host-singer na tukuyin pa kung sino ang pinagselosan niya.

“Wala namang ano... Bumabalik na naman tayo sa mga selos-selos na ‘yan!

“I don’t think I should comment about the selos-selos thing because it doesn’t really make any sense, really.

“Ang tagal-tagal na yun. That’s her job.”

Ayon kay Billy, hindi niya panghihimasukan ang trabaho ni Coleen kahit na kapag mag-asawa na sila.

“For now, to be honest, sa kasal, kasal. Sa trabaho, trabaho.

“Yun yung kailangan, ang importante.”

Naging magkasintahan sina Billy at Coleen noong July 2014. 

Pormal na nag-propose ng kasal ang TV host-singer sa kanyang nobya noong December 20, 2016. 

Sa summer 2018 nakatakdang magpakasal ang engaged couple. 


Stories We Are Tracking

Coleen Garcia and Billy Crawford to wed summer of 2018
Coleen Garcia and Billy Crawford to wed summer of 2018
Billy Crawford and Coleen Garcia are now engaged
Billy Crawford and Coleen Garcia are now engaged


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN