Lovi Poe on ex-boyfriend Rocco Nacino: "I have no idea with what's going on in his life."

IMAGE Noel Orsal

Lovi Poe is obviously not tracking the private life of her ex-boyfriend Rocco Nacino, and she wants nobody tracking her private life either.


Pagkatapos ng isa at kalahating taon mula nang naghiwalay sila, sinabi ni Lovi Poe na wala namang lamat ang pagkakaibigan nila ng ex-boyfriend na si Rocco Nacino.

Ayon sa Kapuso actress, “We’re okay. Yes, we’re okay naman.”

Noong naghiwalay sila kalagitnaan ng 2016, tila nakapag-move on naman sila agad.

Kung si Lovi ay nauugnay ngayon sa Filipino-French businessman na si Chris Johnson, si Rocco naman nagkaroon ng short-lived romance sa Kapuso actress na si Arianne Bautista.

Pero wala raw alam si Lovi tungkol sa nangyayari ngayon kay Rocco.

Aniya, “I have no idea with what’s going on in his life.”

Sa ngayon, masaya na raw siya sa takbo ng kanyang buhay at karera.

“I’m happy in general with what’s going on in my life. I can’t ask for more.

"Of course, may mga days... there are things that we want, but I’m very happy,” sabi ni Lovi.

Ayaw na ring magdetalye si Lovi tungkol sa kanila ni Chris.

Dagdag pa niya, “I just wanna keep things private.”

Natuto na ba siya sa mga nauna niyang relasyon na masyadong lantad sa publiko?

Tugon ng 28-year-old actress, “No, it’s not that.

"It’s just that… it’s something that I really want naman talaga to keep things to myself."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi sa bloggers conference ng bago nitong pelikula na Woke Up Like This, na ginanap sa Valencia Events Place, Quezon City, Huwebes ng gabi, August 10.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN