Onyok Pineda's mom breaks silence on why son was removed from Ang Probinsyano

IMAGE Glenn Regondola

Mary Ann Nulos, mother of Kapamilya child star Onyok Pineda, denies accusations that she was the reason why her son was pulled out from FPJ's Ang Probinsyano. "Basta para sa akin, ang inisip ko lang ay para sa best ng anak ko," she says.


Nagsalita na ang ina ng child star na si Xymon Ezekiel Pineda, o mas kilala sa pangalang Onyok, kaugnay ng usap-usapan tungkol sa pagkawala ng anak sa toprating primetime series ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano.

Naging sentro ng intriga ang pangalan ni Mary Ann Nulos, ina ni Onyok, dahil sa pagkakaroon diumano nito ng attitude at maraming demands dahilan upang tanggalin na lang ang child actor sa programang pinagbibidahan ni Coco Martin.

Nang makapanayam ng PEP.ph  (Philippine Entertainment Portal) si Mary Ann sa pocket presscon para sa renewal ng endorsement contract ni Onyok para sa H/Head Kids Apparels, na ginanap sa Concha's Garden Cafe, sa Quezon City, noong August 9, ipagtanggol niya ang sarili kaugnay ng mga kumakalat na balita.

Ayon sa ina ni Onyok, “Nag-decide po muna kami na medyo pahinga muna siya.

"Kasi magre-regular school na po siya, para maka-focus siya sa studies niya.

“Noon po, nag-aaral din po siya nung nasa Ang Probinsyano, home study po yun.

“Ngayon, para maka-focus siya, regular school po siya.

“Yun po, nag-aaral po siya ngayon.”

Mariing itinanggi ni Mary Ann ang isyung siya umano ang dahilan kung bakit tinanggal si Onyok sa Ang Probinsyano.

Dagdag niya, “Minsan lang, pag nagtatanong ako tungkol sa cut-off, yung sa oras... minsan nagtatanong po ako kung anong oras na ba, ‘Pack-up na po ba?’ Ganun lang naman po.

“Si Coco na rin po, di ba, ang nagpaliwanag na, yun nga, school muna siya [Onyok].”


Stories We Are Tracking

Coco addresses rumors behind Onyok's <em>Ang Probinsyano</em> exit
Coco addresses rumors behind Onyok's Ang Probinsyano exit

MOMMY KNOWS BEST. Aminado naman si Mary Ann na malaking kawalan sa kanila ang teleseryeng kinabilangan ni Onyok.

Pero bilang ina, alam daw niya kung ano ang dapat maging prayoridad ng anak.

Aniya, “Opo, kasi malaki ang naitulong ng show na ito sa amin, sa lahat, sa bata.

“Dahil sa show, nagkaroon siya ng commercials.

"Dahil sa Probinsyano, kinuha siya ng HammerHead For Kids… tapos iba pa pong endorsements.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkaroon kami ng bahay na fully paid na, ng sasakyan.

“Nanghihinayang din po ako, lalo na't ang ganda ng tandem nila ni Coco.

“Kaya lang, bilang nanay, nasa isip ko rin talaga ang pag-aaral ng bata, yung kinabukasan niya.

“Siguro pag walang pasok, puwede naman siyang mag-guest, sabi din po nila.”

Si Onyok ay nasa cast ng Metro Manila Film Festival 2017 official entry na Ang Panday, na pinagbibidahan at idinidirek ni Coco.

GRACEFUL EXIT. Sa kabila ng intrigang ito, iginiit ni Mary Ann na maganda ang pagpapaalam niya sa ABS-CBN at sa mga bumubuo ng  Ang Probinsyano.

Aniya, “Opo, nagpaalama naman po kami nang maayos sa mga boss at kina Kuya Coco.

“Nag-agree naman po sila na ano ang pag-aaral.

“Siguro dun sa mga nang-iintriga, may mga tao po kasi na siguro ay hindi kami kilala, ganun.

“Nagdya-judge na kami raw ang inalis.

“Si Coco na nga din po ang nagsabi na nagpaalam kami nang maayos, at hindi po kami bastga na lang umalis.

“Si Coco naman po ang nagpaliwanag.”

Hindi naman daw naapektuhan ng gaano ang kanilang financial status.

Saad ng ina ni Onyok, “Ano naman po, bale nakapag-save naman po kami.

“May trust fund naman po siya, bukod ssa fully paid nga yung bahay at yung kotse.

“Sa ngayon, may maliit din kaming business, yung T-shirt printing.

“Kaya nga, kung anuman ang sinasabi nila tungkol sa amin, opinyon na po nila yun, kasi lahat naman tayo may mga opinyon.

“Basta para sa akin, ang inisip ko lang ay para sa best ng anak ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN