Bayani Agbayani reveals reason for declining MTRCB appointment

IMAGE Noel Orsal

Ayon kay Bayani Agbayani, hindi siya nawawalan ng trabaho kaya hindi niya tinanggap ang appointment bilang board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).


Puno ang schedule.

Ito ang pinakadahilan ni Bayani Agbayani kung bakit hindi niya tinanggap ang appointment bilang board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ayon pa sa komedyante, ayaw niyang mapulaang sumasahod kahit hindi naman nagtatrabaho nang tama.

Pahayag ni Bayani, “Kasi unang-una, meron akong Kawasaki provincial tour.

"Meron akong sitcom, meron akong series kay Jodi [Sta. Maria] at saka kay Robin [Padilla].

“So, hindi ko magagawa yung trabaho ko sa MTRCB.

"Ever since naman, sa awa ng Diyos, hindi naman ako nabakante talaga.

“And natapat naman na nung in-appoint ako sa MTRCB board, e, talagang punung-puno.

“E, ayoko naman na magtatrabaho na hindi ko naman magagampanan yung trabaho ko.

"Di parang niloloko ko naman yung ibinabayad sa akin na mga taxes ng mga tao."

November 2016 lumabas ang appointment paper ni Bayani, ngunit tinanggihan niya ito kaagad nang malaman ang scope ng kanyang trabaho.

Saad niya, “Papatak siya ng twice a week, five hours a day. Ang problema, iba-block off na.

“Halimbawa, for the whole month, kukunin ko na yung Wednesday at Thursday, ngayon sinabihan ako na kapag may trabaho ka, makipagpalit ka dun sa kasama mo.

"E, paano kung may trabaho din yung kasama ko, hindi makipagpalit sa akin?"

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bayani sa bloggers' conference ng pelikulang Woke Up Like This, sa Valencia Events Place, kagabi, August 10.

Sa August 23 na ipalalabas ang pelikulang ito mula sa Regal Entertainment.

NEW MANAGER. Noong Marso ay pumanaw ang manager ni Bayani na si Cornelia ‘Angge’ Lee.

Simula nang pumasok sa showbiz si Bayani ay si Tita Angge na ang humawak ng kanyang karera.

Ngayon ay nakahanap na raw siya ng bagong manager sa katauhan ni Boy Abuda.

Ayon kay Bayani, “Siya na magma-manage sa akin.

“Nag-meeting na kami, tapos may isa pa kaming meeting para planuhin na namin yung mga gagawin ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iba pa rin daw kapag may manager dahil marami silang mga contact at mas maayos ang kanilang mga schedule.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN