Newcomer Miggy Campbell tearfully narrates how his dad's drug problem wrecked their family

IMAGE Noel Orsal

Newcomer Miggy Campbell on hos own battle with drugs: "Dahil din po sa family problem, depressions, pero hindi naman po ako nagtagal dun. Ginamit ko po yun bilang motivation, inspiration sa sarili ko upang mapabuti pa yung matagal ko ng pinapangarap na mapansin, magkaroon ng puwang sa industriyang ito, bilang baguhan."


Walang tigil ang pag-agos ng mga luha ng newcomer na si Miggy Campbell sa presscon ng indie movie na Adik.

Napag-usapan kasi ang tungkol sa kanyang malungkot na buhay, partikular na ang pagkakaroon niya ng amang nalulong sa masamang bisyo.

Sa panel interview pa lang ay nagsimula nang umiyak si Miggy sa tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang gagawin niya halimbawang may malapit sa kanyang nagdodroga.

Dito na nga umiyak ang baguhang aktor habang ikinukuwento ang tungkol sa ama niyang naligaw ng landas na umabot sa pagkaka-rehab nito.

Sabi ni Miggy, “Kasi naging ganun ang tatay ko dahil broken family."

Ano ang pinag-ugatan ng kanilang mga problema?

Naiiyak niyang sabi, “Financial problem po, hanggang sa pumasok yung drugs, kasi maraming...

“Kasi ang tatay ko po kasi, grade three lang ang natapos, grade four...

“Tricycle driver, maraming lumalapit sa tatay ko, tapos ako kung saan-saan ako napunta.

“Kasi wala naman ho sa aking... wala akong father role, mother role, lola ko talaga ang nagpalaki sa akin.

“Nung mag-college ako, umalis na ako sa amin, nakipagsapalaran na ako, yung seventeen pa lang ako, nag-start na ako dito.”

Bukod sa lola niya ay tita raw niya ang nakasama ni Miggy.

“Ang tinatawag kong Mama, yung tita ko.”

TROUBLED DAD. Hindi ba niya nakasama nang matagal ang mga magulang niya?

Ayon kay Miggy, “Nakasama ko po, pero hindi ako tumitira sa tatay ko, kasi iba na po yung takbo ng utak niya, e.

“Binubugbog po tsaka sinasaktan niya po ako,” at lalong umiyak si Miggy.

Hindi na raw niya kinumpronta ang kanyang ama.

“Pero lately, when I was twenty-two years old... twenty-five na po kasi ako, e.

“Kinonfront ko siya, nung medyo nakakapag-abot-abot ako ng kahit five hundred pag medyo may raket-raket. Sabi ko, ‘Pops, itigil mo na ‘to, kasi wala…’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, ‘Oo, hindi lang naman ako makaalis dito kasi dinadayo ako, e. Alam mo naman ang tatay mo.’

“Siyempre wala naman pong ano sa amin, e.

“Ang tatay ko lang talaga yung mag-isa sa bahay, kasi hindi na nga ako tumitira dun, kasi minsan nga binubugbog niya ako, ganun.”

Ngayon ba ay matino na ang ama niya?

“Actually po, nagtino na siya, kaso siyempre yung effect nung drugs sa kanya, andun pa, pero sobrang ano, tumigil na siya.”

Na-rehab daw ang kanyang ama at lola ni Miggy ang gumastos.

May epekto rin daw sa ama ni Miggy ang paghihiwalay ng ama at ina niya noon.

“Kasi una’t huling babae niya yung nanay ko, e. Siyempre na-depress.”

FIRST-HAND EXPERIENCE WITH DRUGS. Inamin naman ni Miggy na siya man ay sumubok ng droga.

Pag-amin niya, “Na-try ko po, once.

“Dahil din po sa family problem, depressions, pero hindi naman po ako nagtagal dun.

“Ginamit ko po yun bilang motivation, inspiration sa sarili ko upang mapabuti pa yung matagal ko ng pinapangarap na mapansin, magkaroon ng puwang sa industriyang ito, bilang baguhan.”

Weed at shabu raw ang sinubukan ni Miggy.

Paglinaw niya, “Pero panandalian lang po iyon.

“Siguro mga ano lang yun, yaya-yaya, mga twice lang po.”

Paano niya ihininto ang pagda-drugs?

Sabi niya, “Ang ginawa ko po kasi is yung mga taong nagtiwala sa akin na, ‘Meron ka, e! Tumigil ka diyan, huwag ka ng magsasama sa mga hindi magagandang tao. Meron kang ibubuga kahit papaaano.’

“Tapos, hanggang sa iyon po, ginawa kong insiprasyon ang tatay ko, sabi ko tutulad pa ba ako sa tatay ko, na ganun din po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN