Benjamin Alves fears for relatives in Guam following North Korea's threat

IMAGE Instagram

Benjamin Alves expressed his worries for his relatives via Twitter following North Korea's threat to attack Guam, where Ben's relatives live.


Hindi maiwasan ni Benjamin Alves na makaramdam ng pangamba matapos magbanta ang communist country na North Korea na aatakihin nito ang Guam, isang US territory sa Pasipiko.

Bukod sa pagkakaroon ng white-sand beach, kilala rin ang Guam sa pagkakaroon ng US military base.

Idinaan naman ni Ben ang pagpapahayag ng kanyang pangamba sa pamamagitan ng isang tweet.

Hindi raw niya maiwasang mabahala dahil ang mga kamag-anak niya ay nasa Guam.

Dasal pa ng Kapuso actor, sana ay matigil na ang namumuong tensyon sa pagitan ng US at North Korea.

Ang banta ng North Korea ay ganti nito sa ginawang banta ni US President Donald Trump na magpapakawala siya ng “fire and fury” sa Pyongyang, ang central city ng North Korea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN