Vice Ganda apologizes to Tony Calvento for comparing him to TNT contestant

IMAGE Instagram / Facebook / It's Showtime

Vice Ganda (left) apologizes to Tony Calvento (right, bottom photo) over comparison with Tawag Ng Tanghalan semi-finalist John Mark Saga (right, top photo).


Nag-sorry ang It's Showtime host na si Vice Ganda sa batikang journalist na si Tony Calvento matapos siyang ikumpara ni Vice sa isang Tawag Ng Tanghalan (TNT) contestant.

Binasa ni Billy Crawford, co-host ni Vice, ang kanyang letter of apology ngayong Sabado, August 12.

Paliwanag ni Vice, wala raw siyang intensyong manakit ng damdamin at gusto lamang niyang bigyan ng payo ang TNT semi-finalist na si John Mark Saga na may insecurity sa kanyang itsura.

Bahagi ng liham ni Vice, “Ang tanging intensyon ko ay magbigay-payo sa aming contestant na magtiwala sa sarili at sa kanyang kakayahan.

“Again, my sincerest apologies to Tony Calvento.

“Malaki po ang respeto ko sa inyo bilang isang journalist, kaibigan, at kapamilya.

“Sincerely, Vice Ganda.”

HOW IT BEGAN. Kahapon, August 11, Biyernes, nagkuwento ang TNT semi-finalist na si John Mark na nag-a-upload siya noon ng mga kanta online pero hindi nagpapakita ng hitsura dahil takot daw itong ma-bash.

Payo sa kanya ni Vice, huwag nitong ikahiya ang kanyang itsura dahil isa raw itong biyaya.

Sa pagbibigay ng payo ni Vice, nabanggit niya ang pangalan ng dating police-beat reporter turned broadcast journalist.

“Never be ashamed of your face. Yang mukha mo, ikaw 'yan at maraming pagdadalhan ang mukhang 'yan,” simula ng Unkabogable Star.

“That is a gift... your face. Kahit gaano kalaki 'yan, kahit kamukha mo si Tony Calvento, mukha mo 'yan kaya dapat proud ka.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN