Tony Calvento demands personal public apology from Vice Ganda; threatens to take legal action

IMAGE Instagram / Facebook / It's Showtime

Veteran journalist Tony Calvento (right, bottom) says Vice Ganda (left) called him up to personally apologize for his insulting remark, comparing him to Tawag ng Tanghalan semi-finalist John Mark Saga (right, top). He also said the It's Showtime host promised to apologize on air on Wednesday, August 16.


“He said he will personally apologize on air sa Wednesday.

“I will wait first,” sagot ng multi-awarded journalist na si Tony Calvento nang itanong sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Linggo kung tinanggap na niya ang public apology ni Vice Ganda na binasa kahapon ni Billy Crawford sa It’s Showtime.

Kasalukuyang nasa South Korea si Vice para sa kanyang concert kaya hindi niya pa niya magawang mag-apologize nang personal on-air.

LEGAL ACTION. Nagbanta si Calvento na sasampahan nito ng kaso ang TV host/comedian at ang noontime program ng ABS-CBN.

“Yesterday, after using my name in an insulting manner, I threatened to sue the whole Showtime in a civil case and Vice Ganda in a criminal case.

“Vice called me up and I demanded a public apology to put him in his proper place.

“Just because you’re a famous host, you can make fun of anyone,” pahayag ng offended broadcast journalist.

Read: Vice Ganda apologizes to Tony Calvento for comparing him to TNT contestant

INAPPROPRIATE REMARK. Nag-ugat ang insidente noong Biyernes, August 11, nang ikumpara ni Vice ang isa sa mga Tawag ng Tanghalan contestants, si John Mark Saga, sa beteranong journalist.

Ayon sa naunang apology na binasa ni Billy Crawford, nilinaw naman ni Vice na “ang tanging intensyon ko ay magbigay-payo sa aming contestant na magtiwala sa sarili at sa kanyang kakayahan."

APOLOGY. Personal ding tinawagan ni Vice Ganda si Calvento upang humingi ng paumanhin.

Ayon kay Calvento, maikli lang ang naging takbo ng kanilang pag-uusap.

Nang magkausap daw sila ni Vice sa pamamagitan ng cellphone, ang tanging sinabi ni Vice ay, “Wala po akong masasabi kundi sorry po.”

“Well, that's what he said,” ang sagot ni Calvento nang itanong ng PEP kung puwede nang isulat ang pag-uusap nila ni Vice Ganda.

Pinasalamatan din ni Calvento ang PEP dahil sa accurate account nito tungkol sa insidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN