Arci Muñoz hits back at basher's comment on her lips

IMAGE @ramonathornes on Instagram

Arci Muñoz strikes back at basher's negative comment on her pouty lips.


Hindi na napigilan ng ABS-CBN actress na si Arci Muñoz na sagutin ang isa sa kanyang mga bashers sa Instagram sa kalagitnaan ng isyung nagparetoke umano ito.

Isang Instagram user na may handle name na @mireyatrinidad111 ang nag-iwan ng komentong "Your lips look horrible" sa selfie ni Arci na in-upload nito noong nakaraang June 28.

Agad naman itong sinagot ni Arci at sinabing, "And so is your face. [smile emoji] and yer attitude. [smile emoji] @mireytrinidad111."

Kuha ang selfie ni Arci habang nagbabakasyon ito sa Europe kasama ang kapatid na si Lou Muñoz.

Mapapansin sa litrato na in-overline nito ang kanyang lipstick para mas magmukhang pouty ang kanyang labi. 


Nitong nakaraang linggo, naging mainit na usapan sa social media kung nagparetoke nga ba si Arci matapos mapansin ng mga netizens ang di umano'y pagbabago sa mukha nito.


Stories We Are Tracking

Netizens spot the difference in Arci Muñoz's viral photos
Netizens spot the difference in Arci Muñoz's viral photos
Arci Muñoz admits to dating Erich Gonzales's ex-boyfriend
Arci Muñoz admits to dating Erich Gonzales's ex-boyfriend

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Arci, sinabi nitong wala namang masama kung sakaling sumailalim nga siya sa cosmetic surgery.

Pahayag ni Arci, "Ano ba, napaka-open naman natin.

"So, ano ba? It's open naman, di ba? Ako, personally, I am not against it."

"It's my body. And whatever's gonna make me feel comfortable and more confident sa aking sarili, I'll do it." 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN