Toni Gonzaga downplays rumors linking hubby Paul Soriano to Erich Gonzales

IMAGE Noel Orsal

Toni Gonzaga quashes rumors alluding that something happened between her husband Paul Soriano and Erich Gonzales while they were filming the movie Siargao last May: "Nung May, alam ko na yun, kasi nga daw nung nandun sila, inaano na, may nagme-message na kay Erich, parang, 'Why? How can you do that?' Sabi ni Paul, 'It's not true, and I don't wanna react about it.'"


Matagal na raw alam ni Toni Gonzaga ang tungkol sa mga blind items at bali-balitang may namagitan daw sa kanyang asawang si Paul Soriano at Erich Gonzales habang nagsu-shooting sila para sa pelikulang Siargao noon pang Mayo.

Si Paul ang direktor ng pelikula, habang si Erich ang isa sa mga bida, kasama rin si Jericho Rosales.

Marami ang nagulat at nalungkot sa isyu lalo na sa mga tagahanga ng relasyon ng mag-asawa, kunsaan balita ring may mga pamba-bash na tinanggap si Erich at maging si Direk Paul dahil sa isyu.

Sa opening at blessing ng Happy Cup milk tea business na pag-aari ng magkapatid na Alex at Toni Gonzaga sa Mother Ignacia Ave., Quezon City kahapon, August 12, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Toni at agad na hiningan ng reaksyon tungkol sa isyu.

Ayon kay Toni, “Hindi nga? Alam ninyo sinabi niya sa akin ‘yan nung May, si Paul.

“Sabi niya, 'I think people are gonna make an issue about me and Erich just like how they did to me with Maja [Salvador] before.

“'So I guess it’s inevitable because Erich already talked to me and she said that some people are bashing her, messaging her, 'Uy, bakit ninyo nagawa yun kay Toni? Ganyan, ganyan.'

“Nung May, alam ko na yun, kasi nga daw nung nandun sila, inaano na, may nagme-message na kay Erich, parang, 'Why? How can you do that?'

“Sabi ni Paul, 'It’s not true, and I don’t wanna react about it.'”

JERICHO. Patuloy na kuwento ni Toni kahit pala si Jericho ay nili-link din kay Erich kahit alam naman sa showbiz na kasal n rin ang aktor kay Kim Jones.

Patuloy ni Toni, “Actually, kinuwento din ni Paul sa akin yun.

“Mayroon din daw gumagawa ng issue about Echo and Erich.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So ano talaga ang totoo? Multiple choice.

“So, sabi ni Paul, 'Actually, I talked to Echo, sabi niya ginagawan din daw siya ng issue pero siguro masa malakas yung sa kanya.'”

“Kaya pala pina-visit niya ako.

“Sabi niya, 'Why don’t you visit here?'

“E, nagsyu-shooting kami ni Piolo, next month na yung shooting namin. Last four days.”

INTUITION. Paniniguro din sa amin ni Toni, may tinatawag na woman’s intuition, at sa ngayon ay buung-buo raw ang tiwala na nararamdaman niya para sa kanyang asawa.

Lahad niya, “Di ba naniniwala tayo sa...

“Ewan ko, ayaw nating magsalita nang tapos, but we always lift it up to God na sana wag kaming dumaan sa ganung klase ng pagsubok, trial o ano pa man na challenge sa married life.

“Naniniwala kasi ako sa intuition, kasi sabi ng mommy ko kahit walang issue, kahit walang tsismis, kahit walang ano, may woman’s intuition.

“Kahit walang isyung lumabas, pag may naramdaman kang intuition, most likely 80% of the time, it’s true.

“Pinakiramdaman ko, so far wala pa naman.

“Baka next month, tingan ninyo kung ano ang mapi-feel ko, pero so far wala pa naman.

Nagbiro din si Toni na baka ang kapatid niyang si Alex ang gumawa ng isyu dahil biniro na siya nito dati noong ma-link si Direk Paul kay Maja habang sinu-shoot naman nila ang pelikulang Thelma.

MOVIE WITH PIOLO. Nang kumustahin naman namin ang pelikulang pagtatambalan nila muli ni Piolo Pascual kung saan si Direk Joyce Bernal naman ang direktor nito, pinagmalaki ng TV host/actress na ibang-iba ito sa mga rom-com movies na nagawa na niya.

“Next month na.

“Excited kami ni PJ, kasi itong material na ito, hindi siya light or hindi siya heavy rom-com.

“It’s a dark romcom.

“I’ve done so many romcoms in my entire career, this is the first dark rom-com I’ve ever done.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung start ng movie madilim, bumu-boarder siya ng indie in the beginning.

“Nung pinanood ko, nanibago ako sa sarili ko, 'Ganyan ba talaga ako?'

“Although maganda siya in a good way dahil di mo mate-trace yung pinanggalingan naming movie before at all.

“Di mo siya maku-compare.

“Bago siya, sana tanggapin nila yung story.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN