Jaclyn Jose fractures right forearm in bathroom slip

IMAGE Noel Orsal

Veteran actress Jaclyn Jose recounts how she broke her right forearm recently: "It happened in the middle of the night. Tumayo ako sa pagkakatulog ko kasi nadyi-jingle ako. Medyo naalimpungatan pa ako. "Nataon naman na walang rug doon sa banyo. Ayun, nadulas ako sa tiles."


Naka-cast ang kanang braso ng award-winning actress na si Jaclyn Jose nang um-attend ito ng press launch para sa second season ng action teleserye ng GMA-7 na Alyas Robin Hood na ginanap sa Le Reve Events Venue sa Quezon City noong nakaraang August 9.

Sa kuwento ng aktres, nadulas daw siya sa banyo at na-fracture ang kanang braso niya dahil iyon daw ang naitukod niya noong bumagsak siya.

“Nagbabakasyon ako sa bahay namin sa Laguna noong maaksidente ako.

“Nabigyan ako ng ten days na bakasyon kasi kakatapos lang ng D’Originals.

“Sabi ko, bago ako magsimula sa Alyas Robin Hood, makakapagpahinga ako at maaayos ko yung mga dapat kong asikasuhin kasi I have ten days na vacation.

“Kaso nga lang, ika-second day pa lang ng bakasyon ko, nadulas ako sa banyo.

“I had to undergo surgery. Ang laki ng fracture niya. Nilagyan siya ng titanium.

“It happened in the middle of the night.

“Tumayo ako sa pagkakatulog ko kasi nadyi-jingle ako.

“Medyo naalimpungatan pa ako.

“Nataon naman na walang rug doon sa banyo. Ayun, nadulas ako sa tiles.

“Sana sa kutson na lang ako naihi para di ako naaksidente!” tawa pa ni Jaclyn.

Pagpapatuloy pa niya, “E, ang timbang ko, 170 pounds.

“So lahat ng weight ng katawan ko, doon bumagsak sa kanang braso ko noong itukod ko siya to break my fall.

“Kaya ang dapat na bonggang bakasyon ko, walang nangyari.

“Naoperahan ako, I stayed in the hospital ng ilang days din.”

CAUTIONARY ADVICE FOR THE ELDERLY. Dahil sa tindi ng sakit na kanyang dinanas, nagbigay si Jaclyn ng paalala para sa mga maybahay, lalo na sa mga may edad na.

“Ang sakit ng pinagdaanan kong ito.

“Kaya sa mga kaedad ko, payo ko ay mag-ingat kayo, lalo na sa banyo, kasi diyan kadalasan ang mga aksidente.

“Make sure na merong mga rugs at mats ang mga banyo ninyo para di kayo madulas at mabalian tulad sa nangyari sa akin,” payo niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpapasalamat si Jaclyn na hindi ang ulo or ang balakang niya ang tumama sa sahig.

Saad niya, “Yun naman ang pinapasalamat ko kay Lord.

“Kadalasan kasi ang hip ang unang tatama sa sahig or mababagok ang ulo mo kapag nadulas ka.

“Mabuti at yung reflex ko, braso ko ang nagamit ko. Kaya heto, naka-cast ako ngayon.”

EXTRA CAUTIOUS DURING TAPINGS. Kaya noong magsimula raw siyang mag-taping sa Alyas Robin Hood, ingat na ingat si Jaclyn sa braso niya dahil matinding action scene agad ang ginawa nila.

“Ingat na ingat talaga ako kasi baka biglang mahatak ng mga goons sa eksena.

“E, matinding action scene yung kinunan agad.

“May sleeves naman ang suot ko kaya natatakpan yung cast.

“Kasi hindi naman puwedeng tanggalin.

“Kaya ginagawa na lang namin ang puwede para matakpan siya,” diin pa niya.

TIME TO SLOW DOWN AND TAKE IT EASY? Hindi kaya senyales na ito para kay Jaclyn na magpahinga naman at huwag na masyadong magpagod sa sunud-sunod na trabaho?

Pag-amin ng beteranang aktres, “Naisip ko rin iyon.

“Na baka nangyari ito parang way ni Lord na sabihin sa akin na, ‘Uy, magpahinga ka naman. Sobra ka na sa trabaho!’

“Pero nasa katawan ko na yung pagiging workaholic, e.

“Parang hindi na nawawala sa akin iyon.

“I’ve been working since dalaga pa ako.

“Noong magsimula akong mag-artista noong 1984 pa, never akong natigil sa pagtatrabaho.

“At kahit na noong pinanganak ko si Andi [Eigenmann], hindi ako tumigil magtrabaho.

“Kaya lahat ng mga naipundar ko at pagpapalaki sa mga anak ko, galing lahat ‘yan sa pagiging adik ko sa trabaho.

“I never begged or umutang sa kahit sino para lang mabuhay ko ang mga anak ko.

“Wala akong pinerwisyong tao dahil kung ano meron ang pamilya ko, it all came from hard work.

“Kaya I always pray for guidance and protection.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi itong pag-arte, ito na ang naging bread and butter natin for such a long time.

“And I am thankful na sa edad natin ngayon, I am still given these opportunities na gumawa ng mga TV shows at mga pelikula.

“Pero this time, medyo mag-iingat na ako.

“We are not getting any younger.

“Itong nangyaring aksidente sa akin, it somehow made me realize na tao pa rin tayo na puwedeng maaksidente, magkasakit at maospital na hindi natin inaasahan.

“I will take extra care of myself now at kung hindi na kaya ng katawan ko, I will take a short break para lang makapag-ipon ulit ng lakas.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN