Randy Santiago's 24-year-old son passes away

IMAGE Courtesy: @ryancsantiago Instagram / Facebook

Binawian na ng buhay ang pangalawang anak nina Randy Santiago at Marilou Coronel na si Ryan. 


Pumanaw na ang pangalawang anak ni Randy Santiago na si Ryan Leonardo Santiago, nitong Linggo ng gabi, August 13.

Si Ryan ay 24 years old.


Ayon sa tiyuhin ni Ryan na si Reily Santiago, ang kanyang pamangkin ay mayroong rare brain disease at multiple sclerosis.

Why i love life

A post shared by Ryan Santiago (@ryancsantiago) on

Taong 2015, sumailalim sa isang operasyon si Ryan dahil sa isang fungal virus.

Bukod kay Ryan, may dalawa pang anak si Randy at asawa nitong si Marilou Coronel—sina Raphael at Raiko.

Agad namang bumuhos ang pakikiramay mula sa malalapit na kaibigan ng pamilya Santiago dahil sa pagpanaw ni Ryan.

Narito ang ilan sa kanila:

Pati ang Concert King na si Martin Nievera ay nagpaabot din ng mensahe ng pakikiramay sa pamilya, na idinaan niya sa comment sa Facebook post ng talent manager na si Noel Ferrer.

Na-cremate na ang mga labi ni Ryan kagabi rin, August 13.

Magsisimula naman ang burol sa La Salle Greenhills Chapel mamayang gabi, August 14.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN