JC de Vera apologizes to Daniel Padilla over basketball scuffle

IMAGE Noel Orsal

JC de Vera admits to being carried away by his emotions in the recent Star Magic All Star Game basketball match, which resulted to Daniel Padilla's stumble on the floor. 


Humingi ng paumanhin si JC de Vera kay Daniel Padilla matapos silang madala ng kanilang emosyon sa ginanap na Star Magic All Star Game sa Araneta Coliseum nitong Linggo, August 13.

Naglaban sa isang basketball game ang dalawang celebrity teams; ang Red Team sa pangunguna ni Daniel at Blue Team na pinangunahan ni Gerald Anderson.

Kabilang sa Blue Team si JC.

Sa isang punto ng laro, pinag-agawan nina Daniel at JC ang bola, dahilan upang aksidenteng naitulak ni JC si Daniel, na nadapa sa sahig. 

Narito ang video na uploaded sa YouTube, kung saan nakuhanan ang intense moment sa pagitan nina Daniel at JC. 

 

Idinaan ni JC sa tweet ang kanyang paghingi ng sorry kay Daniel.

Pahayag ng The Better Half actor, “Congratulations to everyone. Nadala kame lahat sa emotions.humingi na rin ako ng pasensya.Sorry Bro @iamdanielpadilla. Good game sa lahat!”

Sa ulat naman ng ABS-CBN News Online, sinabi ni JC na dalawang beses siyang humingi ng paumanhin kay Daniel.

Saad niya, "First time ko maglaro. Wala ako last time.

"Hindi ko in-expect na ganun pala sila ka-intense.

"Pati ako nadala sa emotions.” 

Patuloy niya, "Nag-sorry ako. Sabi ko, 'Sorry, Bro, tumaas lang emotions ko.'

"After the game, nag-sorry ulit ako.

"Sabi ko, ‘Pasensiya na, hindi ko alam na ganito ka-intense."

IMAGE Allan Sancon

Humingi rin daw ng dispensa si Daniel, dahil pati siya ay nadala ng emosyon sa kagustuhang manalo.

Saad ni Daniel, "Ako din nag-sorry ako, kasi uminit din ako.

“Siyempre gusto niyo lahat manalo, so hindi mawawala yung competitiveness ng lahat.

"Pero okay lang kami, no problem."

Nanalo sa laro ang koponan nina Gerald sa score na 93-90.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN