Angel Locsin slams netizen calling her "maarte, mataba, ayaw pasampal"

IMAGE Noel Orsal

Angel Locsin netizen's allegation that she stipulated a no-slapping scene in new movie with Angelica Panganiban: "Ang daming mong hanash. Wala akong interview. Walang ganung usapan. Tanungin mo pa yung nagsulat na yun. Imbento sya. Ikaw naman nagpapakatanga."


Hindi pinalampas ni Angel Locsin ang pambabatikos ng isang netizen sa kanyang pakikipagtrabaho kay Angelica Panganiban.

Nagsimula ito sa pagpuna ng Instagram user na si @rocky_sam_oh sa pisikal na katangian ng 32-year-old Kapamilya actress noong Sabado, August 12. 

Komento ng netizen, “maganda” si Angel ngunit “mataba lang.”

Sinabihan din ng netizen na “maarte” si Angel dahil ayaw umano nitong makipagsampalan kay Angelica sa pinagbibidahan nilang pelikula, ang Wife Husband Wife.

Ani @rocky_sam_oh: "tska ayaw pa sampal sus takot sa sampal ni @iamangelicap haha katawa ka tlga may pa kondisyones kpa nlalaman @therealangellocsin"


ANGEL DENIES "NO-SLAPPING CONDITION." Sa Instagram thread, sinagot ni Angel ang netizen at nilinaw na hindi totoong tumanggi siyang magpasampal kay Angelica.

Buwelta ni Angel, “@rocky_sam_oh: Ang daming mong hanash.

“Wala akong interview. Walang ganung usapan. Tanungin mo pa yung nagsulat na yun. Imbento sya.

“Ikaw naman nagpapakatanga.”


Taliwas sa pahayag ni Angel, nilinaw ng netizen na may panayam si Angelica kung saan nabanggit nito kung bakit wala silang eksenang sampalan ni Angel sa bago nilang pelikula.

Narito ang paliwanag ng netizen: 


At press time, burado na ang comments ng Instagram user na si @rocky_sam_oh at pati na rin ang comment ni Angel. 

Ngunit may ilang netizens ang dumepensa para sa aktres: 


ANGELICA ON ANGEL'S "REQUEST."
 Noong August 3, naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang paglilinaw ni Angelica na walang sampalan at panay drama lamang ang mga eksena nila ni Angel sa The Promise.

Nang tanungin kung may sampalan scene sa kanilang pelikula ni Angel, ito ang sagot ni Angelica:

“Sampalan? Wala kami ha, iniwas na yata.

"Iningatan na saka parang ayaw niya, yun yata yung request niya para umoo siya.

"Sabi ko naman, okay.”


Stories We Are Tracking

Angel Locsin had one condition before working with Angelica
Angel Locsin had one condition before working with Angelica

Noong 2012 ay ginawa nina Angelica at Angel ang pelikulang One More Try, kung saan napabalitang nagkaroon sila ng alitan dahil naging totohanan ang sakitan nila sa kanilang confrontation scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkalipas ng ilang taon, nagkaayos din ang dalawa at naging mabuting magkaibigan pa nang pareho silang kakagaling sa hiwalayan sa kani-kanilang nobyo noong 2016.

Mismong sina Angelica at Angel din ang nagsabing mas tumibay ang kanilang samahan dahil sa pinagdaanan nilang alitan noon.


Stories We Are Tracking

Angel Locsin, Angelica Panganiban post their bonding moment
Angel Locsin, Angelica Panganiban post their bonding moment
Angelica, Angel say past feud made their friendship stronger
Angelica, Angel say past feud made their friendship stronger

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN