Former PBA player Mark Cardona recalls suicide attempt

IMAGE Grabbed from Rated K

Former PBA cager Mark Cardona cites the reasons that led him to attempt to take his own life in 2016. 


“That night ready na ako na…”

Ito ang hindi natapos na pahayag ng former PBA player na si Mark Cardona tungkol sa tangka niyang pagpapakamatay noong August 21, 2016.

Si Mark ay binansagang “Captain Hook” at huling naglaro para sa koponang NLEX Road Warriors sa PBA.

Nagsalita si Mark tungkol sa kanyang attempted suicide sa episode ng Rated K ng ABS-CBN nitong Linggo ng gabi, August 13.

Nang tanungin siya ni Korina Sanchez kung bakit naisipan niyang magpakatiwakal, sagot ng 35-year-old basketball player, “Hindi ko po alam, Ma’am, e.

“Parang bigla ako talagang na-depress nang sobra.” 


Stories We Are Tracking

Cardona now stable in hospital after overdosing on pills
Cardona now stable in hospital after overdosing on pills

BIPOLAR. Bago ang kanyang suicide attempt, una nang nagpatingin sa psychiatrist si Mark, kasama ang dating girlfriend na si Bianca Jackes.

Na-diagnose na bipolar ang basketbolista kaya siya sumailalim sa gamutan.

Ayon kay Mark, may kinalaman ang suicide attempt niya sa epekto ng gamot at depresyon dahil sa paglamlam ng kanyang basketball career.

“Siguro parang nasanay na ako dun sa medicine na tini-take ko. Parang nawawalan na rin siya ng epekto.

“And then, andami kong gamot nun, e, so parang sa sobrang depressed ko nga nun, stress, di ko alam kung anong gagawin ko.

“Na-depress din ako sa basketball kasi di na ako nagagamit,” saad niya.

Nagdesisyon din daw ang kanyang girlfriend na iwan siya.

Hinikayat niya itong bumalik, pero ayaw na raw ng kasintahan.

Sa puntong ito raw naisip ni Mark na tapusin ang kanyang buhay.

“And then nakita ko yung gamot ko, and then tinook ko lahat, sabay-sabay. More than 100 [pieces] din siguro.”

Isinugod si Mark sa University of Perpetual Help Hospital, sa Las Piñas City.

Pagmulat daw ng kanyang mga mata, ang una niyang nakita ay ang kanyang girlfriend.

Naging emosyunal daw siya nang bumisita ang kanyang maliliit na anak.

Lahad ni Mark, “Sabi ko, bakit ko po nagawa yun.

"Iyak po ako nang iyak nang makita ko po sila nung dinalaw po nila ako sa ospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi lumaki din akong broken family din ako, parang ayoko na masira ulit yung family ko.”  

Sa pagnanais na makabalik sa basketball, sumali siya sa koponan ng Zark’s Burger sa PBA D-League at nag-try out kamakailan sa GlobalPort Batang Pier.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN