Jeremy Marquez is the latest celebrity appointee of President Duterte

IMAGE Instagram photo of Jeremy Marquez

Jeremy Marquez is now included in the list of celebrities appointed by President Rodrigo Duterte.


Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dating aktor na si Jeremy Marquez bilang deputy secretary general ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

Nilagdaan ni Duterte ang dokumentong nagtatalaga kay Jeremy sa puwesto sa gobyerno noong Huwebes, August 10.

Bago ito, nanungkulan si Jeremy bilang barangay captain ng BF Homes, sa Parañaque City, sa loob ng tatlong termino.

Sa eleksiyon noong 2016, sinubukan ni Jeremy na tumakbo bilang bise-alkalde ng Parañaque City, sa ilalim ng Nacionalista Party, ngunit na bigo siyang makamit ang puwesto.

Natalo siya ni Jose Enrico Golez ng Liberal Party.

Si Jeremy ay anak ng aktor na si Joey Marquez, na nanungkulan bilang mayor ng Parañaque City sa loob ng tatlong termino.

Bago pasuking ang mundo ng pulitika, nakilala muna si Jeremy bilang aktor sa ilang Kapuso shows, katulad ng Bahay Mo Ba 'To, Kung Mahawi Man ang Ulap, at Adik Sa 'Yo.

Ang iba pang showbiz personalities na itinalaga ni Duterte sa gobyerno ay sina: Mocha Uson bilang assistant secretary of the Presidential Communications Operations Office, Cesar Montano bilang chief operating officer ng Promotions Board ng Department of Tourism, Aiza Seguerra bilang chairman ng National Youth Commission, Kat de Castro bilang undersecretary for tourism advocacy and public affairs ng DOT.

Kabilang din dito sina Liza Diño bilang chairperson ng Film Development Council of the Philippines, Arnell Ignacio bilang AVP for Community Relation and Services Department Philippine Amusement and Gaming Corporation, RJ Jacinto bilang presidential adviser on Economic Affairs and Information Technology Communications, at Manila Vice Mayor Isko Moreno bilang miyembro ng board of directors of North Luzon Railways Corporation.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN