Randy Santiago in shock over death of son Ryan Leonardo: "Tanggap pero mahirap... masakit."

IMAGE Arniel Serato

Relatives, friends, and co-workers come out in droves to console Randy Santiago, his wife and children, in their hour of bereavement.


May lungkot sa boses ni Randy Santiago nang eksklusibo siyang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa La Salle Greenhills Chapel kagabi, August 14.

Hindi pa rin daw sila makapaniwala ng asawa niyang si Marilou Coronel na pumanaw na ang anak nilang si Ryan Leonardo.

Maayos pa raw nilang kausap si Ryan noong Linggo ng gabi, August 13, nang bigla itong makaramdam ng sakit sa katawan.

Isinugod daw nila agad ang anak sa ospital.

Kalaunan, binawian na rin ng buhay si Ryan sa edad na 24.

Si Ryan ang pangalawa sa tatlong anak nina Randy at Marilou.


Ngunit ayon kay Randy, unti-unti na raw natatanggap ng kanilang pamilya ang pagpanaw ng anak, na tatlong taon ding nilabanan ang isang rare brain disease at multiple sclerosis.


Pahayag ni Randy, “Tanggap, pero mahirap… masakit. Lalo na kapag magulang, e.

"Pero siyempre, ang Panginoon, nandiyan para siguro...

"Baka may purpose Siya kung bakit he had to leave and he had to go at an early age, dahil siyempre hindi naman siguro patagalin pa yung sickness niya.”

May kasabihan na mahirap sa isang magulang ang maglibing ng anak, at ramdam daw talaga ito ng singer/actor/director.


Ayon kay Randy, “Totoo yun, totoo yun.

"Sabi rin ni Marilou, my wife, 'Baka mas mahirap siguro kung mauna tayong mamatay sa kanya at walang mag-alaga sa kanya.'

"Mas mahirap para sa amin yun.

"So minsan, kahit masakit sa amin, mas mabuting naalagaan namin siya hanggang sa huling hantungan.”

Ikinatutuwa na rin lang daw nilang pumanaw si Ryan na hindi nakaramdam pa ng mahabang pananakit sa katawan dulot ng kanyang karamdaman.

“GALA.” Ayon kay Randy, "loving" na anak si Ryan.

Ganun din naman daw ang kanyang panganay na si Raphael at bunsong si Raiko, pero mas madali raw talaga niyang mayakag sa mga lakad si Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng La Luna Sangre star, “Siya ang lagi kong kasama kapag may mga tour. Madali kasi imbitahin.

"Kumbaga, ‘Ry, samahan mo ako. Ry, nood tayo ng sine.’

“Actually, lahat ng mga anak ko, ganun naman.

"Pero yung mga panahon na naibibigay din niya kasi na madali mong mapa-oo dahil gala rin, e, kagaya ko rin, gala.

“Kahit yung iba kong anak naman, kapag sinabi lalo ng Tito Rowell [Santiago] nila, ‘Ryan, samahan mo ako...' ganun din naman sina Raphael at Raiko.”


Stories We Are Tracking

Randy Santiago's 24-year-old son passes away
Randy Santiago's 24-year-old son passes away

SUPPORT FROM FRIENDS, FAMILY. Isinailalim kaagad sa cremation ang mga labi ni Ryan.

Sa unang gabi ng lamay, punung-puno ang chapel na pinaglagakan ng urn ni Ryan.


Kuwento ni Randy tungkol sa pumanaw na anak, “Malambing kasi, e, hindi lang sa mga tiyo, sa mga classmates, napakalambing din niya.

“So, yun lahat ng mga supporters na mga classmates, nag-iiyakan, lalo na nung kini-cremate kagabi.

"Hindi nila matanggap na wala na si Ryan."

Namataan ng PEP sa lamay ni Ryan kagabi sina Ogie Alcasid, Agot Isidro, Marjorie Barretto, John Estrada, Priscilla Meirelles, Inah de Belen, at Julia Barretto.




Nasa lamay rin ang mga kapatid ni Randy na sina Rowell, Raymart, at Riley Santiago.



Dumating din sa wake sina Bayani Agbayani, Jenny Miller, talent manager na si Noel Ferrer, at ABS-CBN executive Linggit Tan.

Magtatagal ang lamay ni Ryan sa La Salle Greenhills chapel, San Juan City, hanggang Miyerkules ng gabi, August 16.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN