GMA executive Lilybeth Rasonable not affected by Kapuso stars transferring to ABS-CBN

IMAGE Noel Orsal

GMA-7 executive Lilybeth Rasonable on Kapuso stars moving to ABS-CBN: "Siguro pana-panahon 'yan, na tapos na yung work mo dito, na puwede ka naman maghanap ng work sa iba. Ganun din naman sa iba. Tapos na ang kanilang work nila dun, baka meron naman dito."


Maingat ang mga pahayag ni GMA Network Senior Vice President for Entertainment TV Lilybeth G. Rasonable sa isyung paglipat ng ilang Kapuso stars sa Kapamilya network.

Ang ilan sa mga huling umalis sa bakuran ng GMA-7 at nagkaroon na ng programa sa ABS-CBN ay sina Aljur Abrenica at Louise delos Reyes.

Napag-usapan ang tungkol dito kamakailan dahil sa pabirong tanong ni Vice Ganda sa It’s Showtime na: “Kung sinasabi ng GMA na where you belong, ba’t sila naglilipatan?”


Stories We Are Tracking

Vice Ganda pokes fun at GMA-7 slogan
Vice Ganda pokes fun at GMA-7 slogan "Where you belong"

Ayaw nang patulan pa ni Ms. Rasonable ang patutsadang iyon ni Vice.

Ngunit ano ang sarili niyang pananaw sa paglipat ng ilang homegrown talents ng Kapuso network sa Kapamilya network?

Pahayag ni Ms. Rasonable sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Siguro iniisip ng mga tao, bakit ganun sinasabi.

“Pero kung alam mo kung ano yung mga stories behind each and every artist who transferred, may rason, e.

“Yung iba, they were not renewed, they were released. They’re free to go wherever the work takes them.

“You cannot naman, di ba… answer to each in every comment na bakit umalis, lumipat, ganito.

“Meron namang mga artists from the other network na lumipat din dito. We welcome.

“Ganun lang naman dito sa ating industry, di ba?

“Napakaliit ng industriya, may aalis, may dadating, ganun din naman sa… may papalitan, may papalit.”

Nakausap ng PEP si Ms. Rasonable sa presscon ng GMA Artist Center para sa professional acting teacher mula sa New York na si Anthony Vincent Bova, sa 17th floor ng GMA Network Center, noong Lunes, August 14.

Si Bova ay magko-conduct ng three-day intense acting workshop sa ilang GMA Artist Center talents.

NOT AFFECTED. Iginiit ni Ms. Rasonable na hindi naman ito nakakaapekto sa network dahil normal lang naman daw itong nangyayari.

Pahayag niya, “Hindi kami na-affect kasi, unang-una, kung alam mo naman kung ano yung mga totoong pangyayari behind each and every transfer, hindi kami naapektuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi it’s just part of the work, and it is also part of the lives of the artists.

“Nangyayari naman talaga yun.”

Hindi na nga ba kailangan ng Kapuso network ang mga artistang naglilipatan sa kabilang network?

Tugon ng Kapuso executive, “Ang hirap naman sabihin na hindi kailangan.

“Kasi siguro pana-panahon ‘yan, na tapos na yung work mo dito, na puwede ka naman maghanap ng work sa iba.

“Ganun din naman sa iba. Tapos na ang kanilang work nila dun, baka meron naman dito.”

Dagdag niya, “Pero welcoming naman ang GMA.

“Marami namang umalis na maganda pa rin naman ang relationship, magkaibigan pa rin.

“Lahat naman ‘yan, kung nagkaroon din ng gusot ang iba along the way, may mga nag-patch up naman.

“Naayos naman in the end, as long as you part ways well.”


Stories We Are Tracking

Former Kapuso Louise delos Reyes joins Ang Probinsyano
Former Kapuso Louise delos Reyes joins Ang Probinsyano
And the first Kapamilya show of Aljur is...
And the first Kapamilya show of Aljur is...

DIETHER OCAMPO. Samantala, nilinaw rin ng PEP kay Ms. Rasonable kung magiging Kapuso artist na rin ba si Diether Ocampo pagkatapos nitong mag-guest sa ilang programa ng GMA-7.

Pipirma na rin ba ito ng kontrata sa Kapuso network?

“Wala pa,” mabilis na sagot niya.

“Yes, he has been guesting. That’s true, because he is a freelancer now.

“He is always welcome to have shows here kapag may bagay na role sa kanya, naisip namin siya, kasi magaling naman siyang artista.

“Pero as of now, guestings.”

Nabanggit din ni Ms. Rasonable na nakahanda na sila sa pagbabalik ni Kylie Padilla sa trabaho kung sakaling gusto na nito.

Kasisilang pa lang ni Kylie ng anak nila ng fiancé niyang si Aljur Abrenica.

Saad niya, “Actually, gusto namin siyang i-casting, e.

“Pero hindi siya puwede kasi kapapanganak lang, mag-aalaga pa ng baby.

“Naintindihan naman natin yun.

“Pero sa totoo lang, itong mga darating na soaps, gusto na namin siyang i-cast.

“So, talagang inaabangan namin siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN