Paolo Contis has no intention of replacing Paulo Avelino as dad to LJ Reyes's son

IMAGE Noel Orsal

Paolo Contis on relationship with LJ Reyes's son: "Aki is very easy to love, very sweet boy. Si LJ is very protective of him, so it took time for us to, kumbaga, para ipagkatiwala niya yung part na yun ng buhay niya sa akin."


Hindi raw inakala ni Paolo Contis na magiging positibo ang reaksiyon ng netizens sa ginawang birthday message para sa anak ng girlfriend niyang si LJ Reyes, si Aki.

Si Aki ay anak ni LJ sa dati nitong boyfriend na si Paulo Avelino.

Sa larawan niya kasama si Aki, na ipinost ng aktor sa Instagram noong nakaraang buwan, sinabi ni Paolo ang maiksing mensaheng ito para sa bata: “I will always have your back.”

Pahayag ng Kapuso actor, “Not for anything naman, hindi ko naman ginawa yun para [mapansin].

“Siguro, kung sino man ang nag-repost nun, felt the sincerity to begin with.

“But I did not post it for that. Happy ako na na-feel nila yun.

“But I've been always vocal about LJ and Aki sa mga post ko.

"Siguro nagkataon lang na dahil birthday niya, mas maraming nakabasa.”

Nilinaw rin ni Paolo na hindi niya ginamit ang 7-anyos na anak ni LJ para maging malapit sa Kapuso actress.

Saad niya, “Dati, I made that clear na hindi ko gagamitin ang anak mo para ligawan kita.

"Kasi, tama naman yun, of course you're a mom...

“May mga ganung tao siguro na, di ba, parang ligawan mo yung magulang, may ganun, e.

"Ito, parang ligawan mo yung anak para...

“Siyempre, ayaw mo namang gawin yun.

“Kung di ka naman sincere na gusto mo yung bata, hindi ka sincere na mahal mo yung bata, huwag mong gamitin.

“E, hindi, Aki is very easy to love, very sweet boy.

“Si LJ is very protective of him, so it took time for us to, kumbaga, para ipagkatiwala niya yung part na yun ng buhay niya sa akin.”


Stories We Are Tracking

Paolo Contis posts sweet birthday message for LJ Reyes's son
Paolo Contis posts sweet birthday message for LJ Reyes's son

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo sa press conference ng GMA-7 primetime series Alyas Robin Hood noong nakaraang linggo.

FATHER FIGURE. Aminado si Paolo na maaaring isiping father figure siya para sa anak ni LJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunman, wala raw siyang intensiyong palitan ang puwesto ng totoong ama nito na si Paulo Avelino.

Ayon kay Paolo, “It's not my intention but, of course, I'm there for him.

"He knows that, I'm always there for him.

“I think mas better kasi friends kami. He can technically tell me anything because we're friends."

Patuloy niya, “Father figure, yes.

"But more than anything, he knows that I'm not gonna judge him because we're friends.

"So, feeling ko, mas fun. Feeling ko, mas strong yung foundation.”

Katuwiran pa ni Paolo tungkol sa pagiging close niya kay Aki, “Feeling ko, in-earn ko naman yun. You cannot earn that overnight.

“Yung love ng bata, yung respeto ng bata, hindi mo naman makukuha yun sa laruan.

“Hindi mo makukuha yun sa pagbibigay ng laruan.

“Hindi mo makukuha yun sa paglalaro ninyong dalawa.

"It took time for us to have that kind of relationship."

Dahil dito, aniya, “I'm thankful that binigyan ako ni LJ ng opportunity to do that to Aki.

“I think that's what makes the relationship stronger.

"Yung sa amin ni LJ, di ba, we have Aki to take care of."

SERIOUS RELATIONSHIP. Samantala, nabanggit ni Paolo na seryoso siya sa pakikipagrelasyon kay LJ.

“Seryoso yung relationship, very serious.

“Siguro we talk about future plans because, more than anything, more than me and her, mayroong kids.

“We are on this stage na hindi ka naman na puwedeng magloko, di ba?

“Kasi may iba nang factors sa relationship n'yo, na kailangan talaga seryoso kayo.”

Si Paolo ay may dalawang anak na babae sa dati niyang asawa na si Lian Paz, na ngayon ay nakabase na sa Cebu.

Bagamat napag-uusapan na nila ang kanilang kinabukasan bilang magkasintahan, wala pa raw payak na detalye ang kanilang mga plano.

Paliwanag ni Paolo, “Of course, we talk about the future.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Definite na plans or araw, it will come.

“First of all, we don't wanna plan on anything until everything is fixed.

“Siyempre may mga issues siya sa personal niyang buhay, ako meron pa.

“Lahat yun kailangan ayusin pa namin on our own para lahat smooth.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN