Anne Curtis has no plans of leaving showbiz even after settling down with Erwan Heussaff

IMAGE Noel Orsal

Anne Curtis on why they don't plan on having a baby right away: "I think we focus more on travelling siguro before we decide. Everyone advised me, pag nagka-baby, nag-iiba raw talaga. Hindi basta-basta ka makaka-travel."


Sa kabila ng nalalapit ng pagpapakasal ni Anne Curtis sa fiancé niyang si Erwan Heussaff, tiniyak ng actress-TV host na hindi niya tatalikuran ang showbiz.

Ayon sa It's Showtime host, “Oo naman, I don’t think na nasa personality ko kasi who would be the type to just be at home.

“My personality kasi, I’m so active and outgoing, and I love to work, so I don’t think so.

“Very much like, you know, how Hollywood brides are, hindi nag-iiba yung roles nila or whatever.

“I think, if ever, my path would be towards that, more than magse-settle down at mawawala.

“Parang mabu-bored yata ako.” 

Ano naman ang inaasahan niyang magiging pagbabago kapag kasal na siya?

“Changes? I don’t think so, maybe just my last name.

“I will remain the same,” sagot ni Anne.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine entertainment Portal) at Cinema News si Anne sa launching niya bilang Shiseido Collagen ambassador, na ginanap sa Makati Shangri-La, nitong Lunes, August 14.

EXCITED BRIDE-TO-BE. Hindi naman maitago ni Anne ang excitement sa mga sorpresang naghihintay sa kanya kapag ikinasal na sila ni Erwan.

Saad niya, “Of course, spending the rest of my life with the person that I love and starting a new family together, I’m excited for all the surprises that will come my way.

“Erwan and I are not the type who will plan things out.

“We’re a very, like, happy-go-lucky couple.

“I’m excited lang to see maybe more of travelling along together.”

Nasa plano na ba nila agad ni Erwan na magkaroon ng anak?

Sagot ni Anne, “Hindi siguro muna.

“Erwan and I love to travel, e.

“I think we focus more on travelling siguro before we decide.

“Everyone advised me, pag nagka-baby, nag-iiba raw talaga.

“Hindi basta-basta ka makaka-travel.” 

GONG YOO FAN. Samantala, very open si Anne sa pagiging fan niya ng Korean actor na si Gong Yoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa katunayan, may lumabas na balita noon na may ilang pag-uusap daw na nagaganap sa Viva at sa management team ng Korean actor para magkaroon sila ng pelikula.

Wala mang kaisguraduhan ang lahat ay hindi maitago ni Anne ang excitement tungkol dito.

“Wow! Sana naman, sana talaga.

“Hanggang pangarap na lang siguro yun, pero siguro given the chance, oo na oo.

“Kahit kailangan kong lumipad sa Korea, gagawin ko,” excited na pahayag ng aktres.

Ayos lang ba kay Erwan ang pagiging fan niya ng Korean actors?

Tugon ni Anne, “Yeah, even now, just earlier today, one of my favorite another actor, si Ji Chang Wook, nag-enlist sa military.

“He saw me pa posting on my IG stories, ‘Be safe, serve well.’

“Super supportive siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN