Billy Crawford not in a hurry to have kids with Coleen Garcia

IMAGE Noel Orsal

What kind of husband does he think he'll be? Billy Crawford replied, "I want to be the husband that I can be for my wife, and I'm sure Coleen is doing the same thing."


Bagamat mahilig sa bata si Billy Crawford, hindi naman daw sila magmamadali ng fiancée niyang si Coleen Garcia na magkaroon ng baby.

Sabi ng Kapamilya TV host-singer, “One step at a time,  magpakasal muna kami.

“Kasal namin next year po. Antay-antay muna tayo, ipon-ipon muna tayo.” 

Ayon pa kay Billy, “Actually, naiisip ko sana magkaroon ako, pero not now.

"Kasi alam ko kung gaano kahirap mag-alaga ng isang bata pagkatapos mong alagaan ang mga…

“Alam mo yung nagti-take ka ng ten to twenty kids a day from seven ng umaga hanggang alas-sietye ng gabi?

“Nakaka-excite, of course, pinapangarap ko to have a family of my own kami ni Coleen. 

“We’re looking forward to it, but not so fast.”

Ang tinutukoy ni Billy ay ang mga batang nakakasalamuha niya sa kanyang bagong programa sa ABS-CBN, ang Little Big Shots.

Ilang taon ang plano nilang hintayin bago sila magka-baby?

Tugon niya, “Hindi ko po mabilang. Tingnan natin. 

“Kung handa na kami ni Coleen, that’s I think we should have a…

“If we decided, if God gives us that opportunity to actually have our family, you know.”

Ano naman ang nais nilang maging talent ng kanilang future baby?

“Puwede bang maging athlete naman, para maiba naman?  

“Uhm, you know what, I’ll just have to wait.

“Anything na gustong gawin ng anak ko, kung ano ang talent niya, I will support my kid para matupad ang pangarap niya,” sabi ni Billy.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Billy sa presscon ng Little Big Shots, ang franchised reality talent search show mula sa Warner Bros., noong nakaraang linggo.

NO DETAILS. Sa susunod na taon na ang kasal nina Billy at Coleen.

Wala namang nabago sa announcement nila noong December 2016 ukol sa plano nilang kasal sa 2018.

Tumanggi lang munang magbigay ng detalye ang singer-host dahil aniya, ito ay nais nilang gawing private.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hands-on daw silang magkasintahan sa preparasyon ng kanilang wedding.

Sabi ni Billy, “Siguro it takes two to tango.

“So, it really depends on what we really want.”

Church wedding ba ang plano nila?

Nangingiti niyang sabi, “Makikita niyo na lang.”

Nabalita na ayaw umanoni Coleen ng isang beach wedding, bagay na pinagtakhan ni Billy.

“Talaga?” nakakanut-noo niyang reaksyon.

“Si Coleen, mahilig sa beach. 

“Nakita mo naman yung mga pictures niya, diba, puro  sa beach.

“So, outdoor kami e… So, I don’t know.”

Patuloy niya, “Well, puwede naman kahit saan. 

“Wala namang hint or anything.”

Ayon sa groom-to-be, Christian wedding ang magiging kasal nila.

Pipili na lang daw sila ng magiging officiating pastor.

Napangiti si Billy nang tanungin kung may pagkakaiba ba sila ni Coleen sa desisyon nila para sa kanilang big day.

Aniya, “Ang natutunan namin ni Coleen is how to compromise.

“Hindi na yung what I want, what she wants, yung ganito, yung ganyan. 

“Walang suwapang sa relasyong ito.

“We’re trying to please both of us kung ano talaga ang gusto namin.”

Nakikita na ba ni Billy kung anong klaseng husband siya para kay Coleen?

“Hindi ko alam kung anong klaseng husband ako or what Coleen would be as a wife. 

“Pero as my goal, para sa akin, I want to be the husband that I can be for my wife, and I’m sure Coleen is doing the same thing. 

“So, ayun.

“We’re working on everything now para pagdating doon sa kasal, okey na,” saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN