Marian Rivera denies involvement in Andrea Torres's departure from Triple A

IMAGE Noel Orsal

Marian Rivera on persistent rumors about her and Andrea Torres: "Ang pagkakaalam ko, wala kaming problema ni Andrea. The last time na magkita kaming dalawa, niyakap niya ako. Sabi niya sa akin, 'Ate Yan, na-miss kita.' So, para sa akin, wala talaga kaming problema at all."


Ikinagulat ni Marian Rivera ang usap-usapang siya raw ang dahilan kung bakit umalis sa Triple A, kung saan pareho silang talents, ang kapwa-Kapuso star niyang si Andrea Torres.

Ang Triple A ay ang talent management na pinamumunuan ni Mr. Tony Tuviera. Nasa pangangalaga rin nila ang Eat Bulaga! co-host na si Maine Mendoza.

Pahayag ni Marian tungkol sa isyu, “Ha? Ang powerful ko naman!

“Mas powerful pa ba ako kesa kay Mr. Tuviera?

“Parang hindi naman yata ako ganun klaseng tao.”

Patuloy ng aktres, “May kanya-kanya tayong paraan kung anuman, kung bakit.

“Pero kung anuman ang dahilan kung bakit siya umalis ng Triple A, parang labas na yata ako dun.

“Ipinapaubaya ko na ‘yan sa kanila—sa Triple A at kay Mr. Tuviera.

“Una sa lahat, malaki ang respeto ko sa kanila."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa presscon ng iniendorso niyang Hana shampoo and conditioner, sa Makati Diamond Residences, ngayong Martes, August 15.

JEALOUSY ISSUE. Bago ang pag-alis ni Andrea sa Triple A at paglipat nito sa GMA Artist Center, napabalita ang diumano’y hidwaan nila ni Marian.

Ayon sa mga lumabas na reports, selos diumano sa parte ni Marian ang pinag-ugatan ng kanilang alitan.

Ito ay dahil sa pagiging leading lady ni Andrea sa mister ni Marian na si Dingdong Dantes sa primetime series na Alyas Robin Hood, na ngayon ay nasa ikalawang yugto na.

Sa past interviews ni Marian ay ilang beses na niyang pinabulaanan ang isyung ito.


Stories We Are Tracking

Andrea to leave Triple A amid issue with Marian?
Andrea to leave Triple A amid issue with Marian?
Marian Rivera wants issue with Andrea Torres to stop
Marian Rivera wants issue with Andrea Torres to stop
Marian denies getting jealous after marrying Dingdong
Marian denies getting jealous after marrying Dingdong
Marian and Andrea allegedly involved in snubbing incident
Marian and Andrea allegedly involved in snubbing incident

Sa presscon niya kanina ay muli namin siyang tinanong kung totoo bang nagseselos siya sa mga nakakapareha ng kanyang mister.

Sagot ni Marian, “Kung ang tanong, nagseselos ako? No. Definitely no.

“Walang dahilan para magselos ako.

“Ang alam ko, maayos kami ng asawa ko.

“Nakakapagtrabaho siya nang maayos na kasama niya si Andrea at walang problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako rin naman, for sure naman may tiwala rin ang asawa ko sa akin, at walang dapat iproblema talaga.”

Natatawa pa niyang sabi, “Please lang, tama na!”

SUGOD RUMORS. Diretsahan ding tinanong ng PEP si Marian kung ano ang totoo sa lumabas na balitang sumugod daw siya noon sa taping ng Alyas Robin Hood upang kumprontahin si Andrea.

Sabi niya, “Okay, sugod? Wala akong dapat na isugod at walang dahilan para sumugod ako.

“Kayo naman, nagpunta lang ako ng taping, masama bang dalawin ang asawa ko?”

Tila biro pa ng Sunday PinaSaya star, “May memo na ba na bawal dalawin ang asawa at magdala ng pagkain?

“Actually, kahit tanungin niyo si Dong…

“Si Dong kasi yung, ‘Dalawin mo naman ako….’ lalo na nung sunud-sunod ang trabaho naming dalawa.”

Diin pa ni Marian, “Wala naman sigurong masama kung dinadalaw ko ang asawa ko at kasama ko ang anak niya na nami-miss niya.”

SISTERS? Pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin mamatay-matay ang isyu sa kanila ni Andrea?

Komento tuloy ng ilang loyal fans ni Marian sa social media, tila nagagamit daw ang kanilang idolo tuwing may bagong show na ipinu-promote ang ibang Kapuso stars na napabalitang nakaalitan niya, tulad nga ni Andrea.

Ayon kay Marian, “Well, kung ang tinatanong ninyo ay kung paano kami ni Andrea, ng Triple A at ng asawa ko, ganito kasimple lang 'yan—ang pagkakaalam ko, wala kaming problema ni Andrea.

“The last time na magkita kaming dalawa, niyakap niya ako.

“Sabi niya sa akin, ‘Ate Yan, na-miss kita.’

“So, para sa akin, wala talaga kaming problema at all.

“Maayos kami ng asawa ko. Masaya kami. Masaya kami sa anak ko.

“Masaya ako sa Triple A.”

Dagdag pa niya, “At kung si Andrea, may problema siya, willing ako na gawin sa kanya kung ano ang ginagawa ko dati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung may problema siya, alam niya ang number ko, at makikinig ako sa kanya.

“Tulad ng ginagawa niya dati, ‘Ate Yan, kailangan ko ng ganito. Ate Yan, tulungan mo ako...’ kahit ngayon, gagawin ko yun sa kanya.”

Madalas sabihin ni Marian na parang kapatid na niya si Andrea, at ate naman ang turing nito sa kanya.

Sa mga lumalabas na isyu sa pagitan nila, ano na si Andrea sa kanya ngayon?

Sagot ni Marian, “Well, open ako na makinig kung may problema siya, as ate niya.

“Kasi yun naman talaga ako sa buhay niya.

“Kahit tanungin mo siya, anything under the sun… ‘Ate Yan, ano tingin mong kailangan kong bilhin? Kailangan ko ba 'to? Anong kailangan kong iluto?’

“Lahat ‘yan, itinatawag niya sa akin.

“At, this time, willing pa rin ako at open pa rin ang dalawang kamay ko para makinig sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN