Korean actor Alexander Lee saddened to learn Kuya Germs is gone

IMAGE Noel Orsal

Alexander Lee says an appearance in Walang Tulugan was on his list as must-do while in the country. He wanted to see Kuya Germs again. "He talked like a father, I didn't know he passed away actually. During this meeting that they told me, I was so upset," he recalled, sadly.


Nasa Pilipinas ngayon ang Korean actor na si Alexander Lee para sa taping ng teleserye nila ni Heart Evangelista sa GMA Network, ang My Korean Jagiya.

Unang nakilala si Alexander bilang miyembro ng K-pop group na U-Kiss. 
 
Bakit siya umalis sa grupo?
 
Paliwanag ni Alexander, “I left because we have different… I left, but on good terms. 

“We have very different directions.

"If I stayed there, I can’t really do drama, acting, it’s very limited.
 
“So, on good terms we ended, and I’m happy about it.

“Now it brought me here, and if I didn’t leave, there’ll be no chance for me to do this project.”

Dati nang nakabisita sa Pilipinas si Alexander kasama ang iba pang U-Kiss members.

Lumabas na rin siya sa ilang programa ng GMA Network noon.
 
At kung may natatandaan siyang Filipino celebrities, ito ay ang namayapang Master Showman na si German Moreno.

Ayon kay Alexander, “Filipino actors and actress, I don’t really know before.

“The only person I remember was Kuya Germs of Walang Tulugan.

"He was very impressive, I remember.
 
“Going to a show, I was really nervous, and I remember Kuya Germs was really nice.

“He talked like a father.

"I didn’t know he passed away actually. 

“During this meeting that they told me, I was so upset.
 
“I said, ‘I have to go to that show, Walang Tulugan,’ but unfortunately…”  

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alexander sa grand launch ng My Korean Jagiya, na ginanap sa K-Pub restaurant, sa TriNoMa Mall, noong August 14.

MULTILINGUAL. Ayon kay Alexander, hindi na siya masyadong naka-focus sa singing ngayon.

Ggagawin lang daw niya ito kung kailangan talaga, tulad sa ilang promotions at guesting.

Mas prayoridad daw niya ngayon ang acting, hosting, at pagiging DJ sa radio.
 
Habang narito ay plano raw ni Alexander na makapag-travel sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natuwa nga siya nang samahan siya at ng kapwa niya Korean stars ni Heart na mag-shopping sa Makati.
 
Gusto rin daw niyang makapag-guest sa iba pang mga programa ng Kapuso network.
 
Sabi ni Alexander, “I really wanna go to variety shows in the Philippines.

"I know that my Filipino is not good, I’ve been watching the shows here. 

“Some of them are really fun, like the morning show, I hope I could.”

Bukod sa pagiging fluent sa English, matatas din siyang magsalita ng Cantonese, Mandarin, Japanese, Spanish, at Portuguese.
 
Isa siyang half-Korean, quarter-Portuguese, at quarter-Chinese.
 
Malaking bagay raw kasing ipinanganak at lumaki siya sa Hong Kong.
 
Ayon kay Alexander, “I was actually born in Hong Kong and grew up in Macau.

“My parents actually met in Hong Kong and I grew up in Macau.

"I stayed in Macau until high school. 

“I took up English, Chinese, Cantonese, and I love language, so I learned Japanese.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN